Your Maid 2

4.8K 97 2
                                    

Seoul.

Nakatulog na ako nang makarating ako dito sa seoul habang dinadaldal ako ni rey. Nag alok din siya ng pagkain kaso tubig lang ang hiningi ko dahil busog pa naman ako sa kinain kong tuyo at sinangag kaninang umaga sa bahay.

Ginising lang ulit ako ni Rey para bumaba, halos limang oras mahigit din pala ang pagbyahe galing metro manila hanggang seoul. Binaba na ni anton at robert ang mga gamit ko. Sabi kasi ni rey sila parin ang magbibitbit niyon, kaya wala na rin ako magawa baka magalit pa siya.

Pagbaba na pagbaba ko sa hagdanan ng eroplano ni rey ay humarap siya sa akin, nauna kasi siya bumaba kaysa sakin. Nakangiti siya ng malawak habang nakatingin sa'kin.

"Welcome to seoul, layla!"

Medyo nahiya ako kina robert at anton sa inasal ni rey kasi ang lakas ng boses niya. Para la siyang bata na nagtatatalon talon habang nakataas ang dalawang kamay. Ngumiti ako ng pilit. Hindi ko alam kung ngiti pa ba iyon o ngiwi na.

"Uhmm.. thank you hehe." Saad ko habang kumakamot sa ulo.

Sumimpleng sulyap ako sa dalawa na mukhang nagpipigil ng tawa. Nakakahiya talaga!

Dumiretso na kami palabas ng Incheon Airport ata yung eksaktong sinabi sa akin ni rey. Sabi niya pa na karamihan ng mga koreanong aktor at aktres kahit na kpop idols ay dito sumasakay. Ang iniba lang ay sumasakay sila sa pampublikong eroplano at hindi eksklusibong kagaya ng sinakyan namin.

Kesyo ang swerte ko raw dahil nakasakay ako sa sasakyang panghimpapawid na hindi ordinaryong sasakyan lang. Siya kasi may-ari ng eroplanong iyon kaya nagkibit balikat nalang ako, minsan talaga ay may pagka mayabang itong si rey.

Habang nagsasalita nga siya sa loob ng eroplano ay pinagyayabang niya lahat. Wala naman ako pakialam doon dahil hindi ko naman iyon kayang pantayan at wala rin ako maintindihan kasi di ako maka relate.

Mahirap lang kami pero kahit ganoon, pinagpapasalamat ko iyon sa diyos na nandoon parin ang pamilya ko sa probinsya at kumpleto.

Ako lang ang kulang.

Napabuntong hininga nalang ako nang maalala iyon. Nakakamiss tuloy agad sila. Nagpatuloy ang pagkwento ni rey patungkol sa kpop idol. Napatango tango nalang ako dahil wala akong kilala ni-isa sa kanila ngunit alam kong sikat talaga sila.

Naalala ko kasi noong nasa high school pa lamang ako ay may mga kaklase na akong sumasayaw at kumakanta ng korean na hindi ko naman maintindihan. Minsan ay sa tingin ko napapaglipasan na ako nang panahon wala pa rin ako alam dahil nakatutok ako sa trabaho.

Nagsi-sideline na ako ng mga panahong iyon habang nag aaral kaya nitong nagtapos na ako ay buong araw ako namamasukan kahit saang bahay para mag trabaho. Naalala ko pa noon na gamit gamit nila ang selpon nila na mamahalin at de-pindot sa screen habang nanonood ng koreanobela o mga idolo nila.

Ano ba tawag doon? Tachkrin ba iyon o smartpon? Ah, basta selpon iyon.

Pagkalabas namin ng airport ay may nakahandang puting van ulit na may makapal na tint sa bintana niyon kaya hindi kita ang loob. Sa labas ng sasakyan ay may nakatayong dalawang body guard.

Bakit ba ang daming body guard ni rey? Sikat din ba siya? o mayaman lang talaga? Ang pormal pa ng suot ng body guard tapos malalaki ang katawan din nila at maganda ang tinding at nakasuot ng itim na salamin.

Napa-iling nalang ako, malamang mayaman baka may magtangka sa buhay. Ganun siguro iyon.

Awtomatikong bumukas mag isa ang pinto ng van. Hindi ko mapigilang mamangha. May ganoon na palang sasakyan?

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon