Boyfriend.
Ilang minuto akong nakatitig sa repleksyon ko bago ako napailing at nagsimulang maglakad.
Hindi naman siguro siya iyon, nagkataon lang siguro na kamukha niya. Oo tama ganoon nga.
Pero hindi nga ba siya iyon? Kamukhang kamukha niya kasi at ang babaeng kasama niya mukhang manika sa ganda. Makinis ang balat at maputi, singkit, matangos ilong, manipis at kulay pink na labi, mahabang pilik-mata at parang model ang katawan.
May ganoon palang klaseng babae, samantalang ako napaka-plain lang. Makinis pero kayumanggi, hindi katangkaran, itim ang mata at may kakapalan ang kilay, sakto lang ang haba ng pilik mata, maliit na ilong pero hindi naman pango, labing matamlay pag walang lip gloss parang saktong may labi lang, may malalim na dimples pero sa kanan lang, makinis nga ang mukha pero hindi naman ganoon para masabihang maganda.
Napabuntong hininga nalang ako, malayo ngang magustuhan ako ni min. Napakalayo pa sa iniisip ko. Siya man iyong nakita ko o hindi, hindi parin malabong hindi kami bagay. Ang layo niya para sa isang tulad ko.
"What a coincidence!" May nagsalita sa may bandang likod ko na medyo pamilyar na boses.
Napatingin naman ako sa likod at di naman ako nagkamali. Nakita ko si steven na tumatakbo papalapit sa akin, mas dumami tumitingin sa akin dahil may gwapong nilalang ang lumapit sa akin. Hindi ko nalang pinansin.
"Hi!" Sagot ko nang makarating siya sa harap ko.
Nakahubad ang blazer niyang itim at nakasabit sa braso niya kaya kitang kita ang hubog ng katawan niya sa fitted na puting long sleeve at pulang neck tie habang may hawak na kape. Ang gwapo naman ng isang 'to! Lalo na ang mata niyang asul kitang kita sa sinag ng araw. Nakakahipnotismo, masarap titigan.
"You don't need to run, what if your coffee spilled out?" Sermon ko sa kaniya. Inalog alog niya naman ang kape.
"You see? I already sipped it before running. Don't nag." Matawa tawa niyang saad.
Natahimik naman ako at tumuloy sa paglalakad. Sinabayan niya naman ako. "What are you doing here? Did you came to the bank?" Panimula niya. Tumango naman ako bilang tugon habang hinihigop ang milk tea ko, nang maubos iyon ay tinapon ko na sa malapit na basurahan.
I didn't know that I will see you again!" Masayang tugon niya. Ngumiti naman ako.
"I didn't know it either. Why are you here by the way? Break time?" Tanong ko naman sa kaniya habang patuloy kami sa paglalakad.
"Yeah actually, 30mins left. Where do you want to go?" Sagot naman niya.
Napaisip naman ako dahil mamaya pa ako pupuntang market, balak kong gumala gala lang kung saan saan muna para malibang.
"No idea, you?" Sagot ko.
Bigla naman niya ako hinawakan sa pulso at hinila pabalik kung saan kami naglakad.
"Come with me, we'll go to clothes shop, I need to buy clothes for a business event. Help me to pick a formal that suits for me." Kumindat pa sakin si steven habang hinihila ako.
Hilig naman kumindat ng mga koreano, kaya pala nagawa ko iyon kila yoong at tae noong nakaraan. Nahawa na ako sa kakulitan nila.
"Let's try here." Huminto kami at binitawan na ni steven ang kamay ko. Pagkatingin ko sa store ay nanlaki ang mata ko, napatingin ako sa likod kaharap ng store ay mas lalong nalaki ang mata ko.
Ito iyong store na pinasukan nang magandang babae at ni min! Puro damit nandito kaya malamang nagsusukat pa sila ng mga damit at hindi pa umaalis. Malamang nandito pa sila!
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...