Your Maid 22

1.8K 51 0
                                    

Night.

"Do you want to eat?" Tanong at pinilit kong ngumiti kahit pagod ang pagkatao ko ngayon.

Kahit papaano ay hindi ko naman kinakalimutan ang trabaho ko dito.

Umiling lang siya at ngumiti rin "I'm full." Aniya.

Tumango naman ako at tumalikod ulit tsaka hinugasan ang baso. Pagkatapos ko doon ay hindi parin siya gumagalaw sa pwesto niya.

"Good night, Min." Saad ko tsaka dali daling naglakad paakyat at magkukulong na ako sa kwarto.

Hindi ko kayang matagalan na kasama siya.

Nang makalapit sa pintuan ng kwarto ko ay hindi ko pa man nahahawakan ang door knob ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Hindi ako lumingon dahil alam ko kung sino iyon, napapikit ako bago humarap sa kaniya at ngumiti ng pilit.

"What do you want?" Hindi ko alam na kaya kong maging masaya ng peke kapag nandiyan siya.

Napatitig siya sa mukha ko kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. Nakita kong ngumiti siya bago nagsalita."Nothing. I just saw you last week crying, if you have problem you can share it to me. I'm your friend, right?"

"It's nothing. Thank you for the concern, I-I'm just tired." Ngumiti lang ako tsaka tumalikod na para buksan ang kwarto.

Pumasok na ako pero bago ko pa isara ang pinto ay hinila niya ako palabas ulit at niyakap niya ako.

Pasimple naman akong kumakawala dahil hindi ito pwede, alam ko. Alam ko na kung bakit di ko kayang makalimot, dahil palagi siyang ganito. Bakit ba ang manhid manhid niya?

Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Pero hindi ito mabilis lang, dahil nakakaramdam ako ng kirot sa katotohanang wala naman itong patutunguhan.

"Let's just stay like this for a minute layla, please." Bulong niya sa tenga ko.

Hindi ko alam kung bakit sa sinabi niyang iyon ay mabilis na sumunod ang katawan ko at tumigil ito sa pagkawala.

Pero mas hindi ko inaasahan na kusang tumutulo ang luha ko na walang tigil. Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko maiwasang humikbi.

Kung kaya ko lang turuan ang puso ko. Matagal ko na sanang ginawa, naiiyak ako dahil sa sarili ko. Kung bakit ko hinayaang magkagusto ako sa isang tulad niya. Napakatanga ko dahil hindi ko alam kung paano tumakas sa nararamdaman kong ito.

Naramdaman ko na mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin at hinalikan ako sa ulo "shh, everything will be okay."

Hindi ko siya kayang yakapin pabalik dahil gusto kong ipaalala sa sarili ko na hinding hindi niya ako magugustuhan at imposibleng magkagusto siya sa kagaya ko.

Nang mahimasmasan ay bumitaw ako sa yakap niya, matagal ko na sana ito sinabi at hindi ang pag iwas pero mas okay na rin na alam niya.

"Min, let's stop being friends."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero desidido na ako sa sinabi ko. "Why?"

Napapikit ako at tinignan siya nang diretso sa mata at blangkong ekspresyon. "I saw you last week. I know she's your girlfriend, please stop talking to other girls while you have a girlfriend. I am a girl too and I know what it feels."

Nakita ko ang gulat sa mata niya pero hindi ko iyon inabalang alalahanin. Gusto ko lang rin na makalimutan siya, bukod doon ay totoo naman ang sinabi ko.

Siguro kasi mas magiging effective ang pag iwas ko kung aware din siya. Maganda na rin siguro ito, oo ganoon na nga.

Nakita ko ang gulat na mata niya ay napalitan ng inis na mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Napaiwas lang ako ng tingin dahil sa itsura niya ngayon.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon