Attached picture above are just a sample, I know it's red velvet and I love them♥️
__________________________________________Reunion.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
Tumango ako bilang tugon. This is the day I will say goodbye to him, pero parang umuurong ang dila ko ngayon dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
"I'll go drive thru. If ever you starve on a flight, atleast may baon ka." Aniya habang seryosong nagmamaneho.
This is him, being the usual caring and the thought of him saying goodbye really breaks me..
Napatingin ako sa kaniya. "Ha? May binibigay naman sil---"
"Hindi mo gusto madalas mga pagkain na sineserve."
My jaw dropped, he really knows me a lot. Even the smallest thing about me, he knows.
Naisip ko naman na nag aabala nanaman siya pero alam ko rin na iisa lang ang isasagot niya.
"P-Pero--"
Mataman siyang sumulyap sa akin.
Staring at his tired eyes made me shut up. He sighed like he's tired of being rejected..
Oh god, andrew.
"Just let me, look, I know you feel pity. But I want you to know, I don't want your pity. I know you. I also know you feel uncomfortable, but please, let me do what I want to do.. just this one, okay?"
Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano pa bang sasabihin ko dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon. Ano pa bang pwede kong sabihin sa taong walang ibang ginawa kundi ay mahalin ako?
Tahimik lang kaming dalawa sa byahe, nakatanaw lamang ako sa side window habang tinatahak namin ang airport.
Ang ending, binilhan niya talaga ako ng pagkain sa drive thru at hindi na ako umangal pa.
"Thank you." Sambit ko sabay ngiti kay andrew pagkapasok namin sa airport.
Inabot niya naman sa akin ang maliit kong maleta.
"You're always welcome." Aniya saka marahang ngumiti pabalik.
Tinignan ko ang orasan ko at 15 mins early ako. Okay na rin 'to kaysa ma-late, sayang ang ticket pag nagkataon.
"So.. this is a goodbye."
Napatingin ako kay andrew nang sambitin niya iyon. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit kita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot.
Tumango lamang ako.
"Mag iingat ka." I pressed my lips habang nakayuko.
Wala na akong mahanap na salitang sasabihin kundi 'salamat' at 'mag iingat ka.'
I don't know how to say something that would lit up the mood.. kapag si andrew ang usapan, natutupi ako.
Lumapit siya sa akin, akala ko kung ano ang gagawin niya ngunit nabigla ako nang niyakap niya ako ng mahigpit.
Ramdam ko ang mabibigat na hininga niya na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko.
"Salamat." Bulong niya.
Napakunot ang aking noo.
"H-Ha?"
Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpapasalamat dahil sa totoo lang, ako dapat ang magpasalamat dahil nakakilala ako ng isang tulad niya. Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ako at ipadama sa akin iyon, na naranasan kong maging importanteng tao sa iba.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...