Your Maid 24

1.8K 55 0
                                    

Gift.

Nagsimula na akong mag empake ng mga kailangan kong dalhin. Hindi ko na dinamihan ang damit dahil marami pa akong damit sa bahay, tsaka imbis na damit ang magpabigat ng bagahe ko ay mabuti nalang na mga pasalubong ang magpabigat nito para sa aking pamilya.

Oo bumili na ako ng maleta para kung kakailanganin ay may magagamit ako. Wala lang, mahirap kasi kung hindi sa eroplano ni Rey sumakay. Katulad nito, paano ako makakasakay kung wala akong maleta diba? Hindi naman pwedeng bayong ulit at bag na iyon dahil natuluyan na siya noong nakaraan lang. Buti nalang nakabili ako extra kahit medyo mahal ay pinag ipunan ko, hindi rin naman malaki ito.

Imbis na ipadala ko kila itay iyong balik-bayan box para sa kanila, ako nalang ang magdadala para iwas gastos dahil sa birthday present sakin ni Rey na makakauwi ako sa amin ng isang buong linggo.

Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Rey dahil sobrang bait niya simula pa noong una. Siya ang pinakamabait na naging amo ko, para ko siyang matalik na kaibigan kung paano niya ako ituring.

Kaya naman kanina paulit ulit akong nagpapasalamat sa kaniya, nairindi na nga eh pero di ko parin tinigilan kahit sa text. Copy paste lang na 'thank you ng marami rey! Sobrang salamat!' mga sampu ata ang tinext ko sakanya. Mukhang nagalit nga dahil ang reply eh 'Oo na! Karindi ka na babawiin ko yan subukan mo magtext ulit'. Kaya ayun, tumigil na ako.

Napangiti nalang ako sa sarili ko habang nag eempake ng mga pasalubong, alam kong matutuwa sila lalo na ang dalawa kong kapatid sa dala ko. Bumili kasi ako ng abot kayang presyo ng sapatos ni popoy na pang-basket ball niya, alam ko kasing hilig niya mag basket ball tsaka binilhan ko rin ng manika si diday, tulad ni popoy ay paborito rin ni duday ang binili ko.

May ibibigay din akong t-shirt kay inay at itay na alam kong magugustuhan nila, couole shirt pa nga ito eh. Korni man pero narinig ko kasi si itay na kausap niya si inay tungkol sa nakita niyang magkasintahan na nakasuot ng parehong damit. Mukhang tuwang tuwa siya sa ganoon kaya naman pina-personalized ko pa ito na nakaprint sa itim na t-shirt nila ang buong pangalan nila. Sa likod naman aymay nakasulat na 'since 19' nakasulat sa shirt ni itay, at 'since 90' sa shirt naman ni inay. Ayon kasi kay itay, naalala kong taong 1990 siya sinagot ni inay.

Nang makatapos sa pag eempake ay inayos ko ang kwarto. Mag aalas-kwatro na rin ng hapon at mga alas-singko ay aalis na raw kami ni Min. Kaming dalawa nalang naiwan dito dahil sila Rey ay nasa studio na.

Lumabas na ako ng kwarto at hila hila ko ang maleta pababa ng hagdan para mamaya ay ilalagay nalang sa kotseng pinahiram ni Rey sa amin. Kasama namin si Robert para may mag uwi daw ng sasakyan.

Iniwan ko muna sa salas ang bagahe ko tsaka umakyat ulit para maligo dahil isang oras nalang at aalis na kami. Nag bihis na ako ng plain white shirt na fitted tsaka high waist jeans, nagpusod din ako at suot ang puting sapatos.

Nag lagay ako ng tint sa labi tsaka lip balm para di mag crack ang labi ko sa lamig at naglagay ng face powder. Nang makuntento ako sa itsura ko ay tinago ko muna ang ulo ng mannequin at mga make up sa isang cabinet.

Inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto ko para siguraduhing maayos at malinis na. Maya maya pa ay may kumatok sa kwarto, si Min.

"Layla, Robert is waiting. Let's go" Aniya, sunod niyon ay wala na akong narinig.

Sinadya kong maupo muna sa kama saglit at hindi na ako sumagot, nang maramdaman ko nang wala na siya sa pinto ko ay binuksan ko na ito.

Pero pagbukas ko ng pinto bigla ko rin naisara ang pinto pabalik, hinarangan lang ni Min ng kamay niya kaya naipit iyon.

"Shit!" Saad niya tsaka tinanggal ang kamay niya sa pinto at winagayway ang kamay sa sakit.

Napalabas ako ng kwarto at tsaka hinawakan ang kamay niya habang natataranta.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon