Your Maid 47

1.8K 54 4
                                    

Old love poem.

After 5 months...

"Congratulations!!" We all said in chorus.

Napahiyaw kami nang magsaboy si clark ng champagne. Ang iba ay nagsaboy pa ng iba't-ibang kulay ng confetti, habang 'yung iba naman ay nag spray ng whipped cream sa mga mukha ng ka-trabaho.

Napuno ng sigawan, halakhakan, sayawan at kantahan ang paligid. Nag aya kasi ako mag celebrate sa lahat ng mga employees ko, alam mo yung after ng cooperation at hardwork ng lahat ay nagbunga at na-appreciate, nakaka overwhelmed!

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa aking sarili, this is gonna be one of the memorable moment of my life!

"Attention everyone!" Napatingin ako nang sumigaw si clark at tumuntong sa upuan.

May dala pa siyang megaphone na hindi namin alam kung saan nanggaling kaya may ibang natatawa kasi kulob ang boses niya. Huminto ang lahat sa kani-kaniyang mundo. Pati na rin ang background music ay nawala.

"May I call on our beautiful boss for an opening prayer--charot!" Aniya kaya lahat kami ay natawa.

"True na 'to, pwede ba nating tawagin ang ating beloved boss na si Ms. Layla Soledad? Ma'am, come here please." Anunsyo niya pa kaya naman lumapit na ako.

Narinig ko naman ang palakpakan nila at sigawan na akala mo'y isa akong artista. Napailing nalamang ako.

Inalalayan niya rin akong tumuntong sa upuan na kinatatayuan niya kaya natawa rin ako. Halos mapunit ang aking labi sa sobrang tuwa. Binigay niya rin sa akin ang megaphone na agad kong tinanggihan, parang nakakahiya kasi, kulob naman kami dito kaya sa tingin ko lahat naman nakakarinig sa akin.

Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita.

"Hello guys, good evening to all of you. Gusto kong magsalita ng taos-pusong pasasalamat sainyo. Nag celebrate ako hindi para sa ating company o sa akin, nagce-celebrate tayo ngayon dahil sainyo. Sana ay patuloy ninyong mahalin ang inyong trabaho, dahil hindi lang ito trabaho for salary, ang mga ka-trabaho ninyo ay ituring rin ninyong ka-pamilya na nagtutulungan para sa iisang hangarin. Hindi ko ito makukuha kung walang tulong na galing sa inyo. Dahil sa inyo kaya natin nakuha ang best innovation, best market sales performance and best company of the year! Kaya, again, thank you so much at congratulations sainyong lahat!" Naghiyawan ang lahat at nag chant pa ng aking pangalan.

Natawa na lamang ako at itinaas ang aking wine glass. "Cheers everyone!" Nagsi-taas rin sila ng kani-kaniyang wine glass.

"Cheers!" Sagot ng lahat.

Bumaling at ngumiti si clark sa akin "congrats madame!"

I smiled too "congrats sa atin!" I lift once again my wine glass.

Bumaba na ako sa upuan saka umupo nalang at nagsalin ng wine sa aking wine glass.

Habang busy ang lahat sa kani-kaniyang mundo, napatingin ako sa aking cellphone nang maramdaman kong nag vi-vibrate ito. Agad akong tumayo at lumabas ng malaking room na 'to saka lumabas sa mismong building. Masyado kasing maingay dito sa loob.

"Hello?" Sambit ko.

"Where are you?" Napakagat ako ng aking labi saka tumingin sa aking relos.

It's already 10pm and I remember hindi pala ako nakapagpaalam na magpapa-party ako. Uh-oh...

"D-Dito sa ano hehe.." napakamot ako ng aking ulo.

"Saan?" Aniya sa matigas na tono. Hala, galit agad!

Gosh, I'm nervous!

"A-Ano, dito lang sa--"

"I heard people screaming. Nasa bar ka ba?" Napapikit ako sa kaba. Ang strikto naman kasi eh!

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon