L.
"Hays, panget nanaman. Hindi ko alam nakakastress pala 'to." Reklamo ko habang tinapon ang cookies na matabang. Wala naman kasi kakain niyon at umay na ako sa cookies kakakain at tiis sa bake kong hindi masarap. Minsan sobrang tamis, minsan sunog pa, minsan matabang tulad nito.
Paano kasi pang ilang beses ko na 'to, Diyos ko! Napaupo nalang ako sa upuan sa kusina sa inis, naglakad ako habang pumapadyak. Bakit ba kasi hindi ko maayos ang timpla?
Napasabunot nalang ako sa sarili sa inis. Okay, kalma self. Hingang malalim, inhale exhale. Magagawa mo rin iyan.... Paano ba naman kasi diba! Pangatlong araw ko na ito tinatantsa pero hindi talaga makuha kuha!
Pangatlong linggo na rin simula noong umalis ang bang boys dito. Isang linggo nalang at mag iisang buwan na rin. Pero hindi sila pumunta dito o kahit napadaan lang.
Kaya naman sa tatlong linggo na iyon ay tinutukan ko ang pag aaral lumangoy para hindi na ako magmukhang tangang naoospital dahil doon. Nagpaalam pa nga ako kay rey bago gumamit ng pool, inabot pa ako ng mura at sigaw kasi nagta-trabaho siya tapos tatawag ako para lang daw doon, sinabi niya na nga daw na ako na bahala sa lahat. Aba, malay ko ba. Hindi naman ako yung taong makapal ang mukha 'no.
Sa tatlong linggong iyon ay kahit papaano nagawa ko naman ng maayos ang paglangoy. Noong una takot na takot talaga ako dahil hindi matanggal ang bahala ko na baka malunod ulit ako, lalo na iyong lumubog sa tubig dahil nagapa-panic talaga ako na makalanghap ng hangin. Kahit takot at hirap na hirap, tinyaga ko iyon. Hindi ako tumigil at sa ngayon nakakaya ko na lumutang at mag swimming pero hindi ko kaya tumagal ng sobra.
Sa tingin ko ay okay na iyon at kaya ko na iligtas ang sarili ko. Kaya naman itong pagba-bake naman ang pinagkakaabalahan ko. Bukas nalang ulit siguro ako magba-bake dahil tinatamad na ako, nakakawalang gana na kasi. Talagang sinaliksik ko pa iyon kaso hindi ko makuha ang tamang lasa. Cookies palang tatlong araw na inabot, mag cupcake/cake pa kaya? Diyos ko!
Iniligpit ko na ang mga kagamitang ginamit ko sa pagbake. Pagkatapos niyon ay sa hindi ko malamang dahilan gusto ko manood ng tv, medyo nakakaintindi naman ako ng korean huwag lang mabilis. Bukod kasi sa pagself-lesson sa swimmimg ay sa gabi naman ako nasa rooftop para mag aral ng korean kaya naman kahit papaano ay may progress ako sa wika nila.
Dahil malinis naman ang bahay at siniguradong walang kailangan linisin, umupo na ako sa isang sofa at binuksan ang tv. Sumalubong sa akin ang puro balita at kung hindi naman ay korean drama, Kdrama siguro tawag nila dito kasi ang bang boys ay Kpop.
Habang abala ako sa paglilipat ng channel ay bigla akong napahinto sa isang interview. Iba kasi ito kumpara sa ibang channel, ito nalang siguro. Mukhang talk show kasi kaya ito nalang panonoorin ko.
"ulineun L maegeojin-eseo injeonghan sa-eobgawa yuhaeng jabjieseo 2019 nyeon yesulgaija choego silmu gyeongheom-iissneun sil-eobgawa 5 nyeongan im-won-eul inteobyuhaessseubnida. jebal Song Eun Jileul hwan-yeonghabnida!" We're here to interview the businesswoman and recognized in L magzine and Vogue magazine as top artist in 2019 and the top korean businesswoman in cosmetics industry for the 5 executive years! Please welcome, Song Eun Ji!
Pumunta ang babae sa katabing sofa pero bago iyon ay nag bow siya sa interviewer at humarap sa camera sabay ngumiti "annyeong modu!" Hello everyone! Nagbow din siya sa madla at ngumiti habang rinig sa tv ang palakpakan ng mga tao.
Ang ganda niya, mukha siyang fashionista dahil kapansin pansin ang na kaniyang suot. Hindi lang ito ang karaniwang pormal. Napakagandang babae na maamo ang mukha. Patuloy lang siyang nag bow at ngumiti habang kumakaway bago siya naupo.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...