Crush.
Nasilaw ako sa sinag ng araw at init nito tsaka ako napabalikwas. Tumingin ako sa orasan at alas siyete na pala, tinanghali ako ng gising dahil na rin sa pagod ng byahe kahapon sa eroplano.
Tumayo na ako at inayos ang banig na hinigaan ko, nadatnan kong wala si Min sa kama ko ngunit maayos ang kama. Asan kaya iyon?
Pagkatapos ay pumunta ako ng kusina para mag init ng tubig at gusto ko ng kape. Namiss ko ang kape namin dito na puro at bagong ani, nakita ko kasing kadadala lang ni itay nito kahapon.
Napalingon ako sa paligid dahil napagtanto kong ang tahimik ng bahay, nasaan ba sila?
"Inay? Itay?" Sigaw ko galing sa kusina habang sinasalang ang takure sa may baga.
Maya maya pa ay uminit na ito tsaka ko isinalin ang mainit na tubig sa tasa.
"Oh layla anak bakit ka sumisigaw? Ang aga aga." Bati sa akin ni inay na kakapasok lang ng kusina.
"Nag almusal na po kayo?" Umupo ako sa upuan naming gawa sa kahoy. Si itay lang rin ang gumawa nito pero matibay naman dahil matagal na rin ito.
"Oo anak. Kumain ka nalang dyan." Akmang aalis na si inay nang bigla ko ulit siyang tawagin kaya napalingon siya sakin.
"Inay, nasaan si Min?"
"Nandoon sa labas kasama ang mga kapatid mo." Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko sa sagot ni inay.
"Inay! Bakit ka pumayag! Alam mo namang delikado si Min paano kung may makakilala sa kaniya?"
Napakunot noo si inay bago magsalita.
"Alam ko naman anak, nandyan lang naman sila kay Mang Peng." Hindi ko na pinatapos pa si inay at lumabas na ako ng bahay habang may kagat kagat na pandesal sa bibig.
Tumakbo ako at dali daling pumunta kay mang peng.
Habol hininga akong nakarating sa bahay ni mang peng. Naabutan ko ang dalawa kong kapatid na naglalaro sa labas ng bahay.
"P-popoy! Asan s-si Mi-min?" Halos di ko mabigkas ng maayos ang sinasabi ko dahil sa hingal.
"Nandun ate sa may mga buko kasama si mang peng." Napasapo ako sa noo dahil mukhang tama nga ang hinihinala ko.
Binilin ko sa mga kapatid ko na wag silang aalis doon tsaka ko sila iniwan. Pumunta ako sa taniman ng buko ni mang peng at naabutan kong nagtatawanan si Min at Mang Peng, teka nga bakit ang bait ni Min sa lahat pero noong bago palang ako napakasungit niya sa akin?
Madalas di ko talaga siya maintindihan.
Akmang aakyat si Min sa puno ng niyog pagkatapos nilang magtawanan kaya bumilis ang tibok ng puso ko at naalarma.
"Hoy, Min! Stop!" Lumapit ako at dinuro pa siya. Napalingon siya sa akin tsaka bumitaw sa puno at hinarap ako.
"Mang peng! Bakit mo naman hinahayaan si Min na umakyat? Diyos ko! Hindi po yan sanay sa mga ganiyan!" Napasapo ako sa noo ko habang naka pa-meywang.
"Pasensya ka na, layla. Mapilit itong binatang ito eh, sinabihan ko na siya kanina kaso ganoon parin kaya hinayaan ko na." Paliwanag ni mang peng.
Napatingin naman ako kay Min na nakayuko, mukhang na-guilty sa ginawa niya.
"You! What do you think you're doing? You know we're not rich! but you didn't even think what will happen to you if you try to climb there! What if you fall? This place doesn't have hospital! Plus, they will recognize you if it does!" Tumingin sa akin si Min na nakasimangot lang.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...