Sing.
"Catch!" Sinalo ni jin ang binatong bola ni yoong kaso imbis na masalo ay sa mukha ni jin tumama ang bola dahilan para matawa kaming lahat.
Kasalukuyan kaming nag lalaro ni yoong, jin, tae, hob at ako. Magkakampi si tae at yoong habang si jin at hob naman sa kabila. Pasahan sila ng bola at dapat nasasalo nila iyon kundi magkakapuntos ang kalaban.
Ako naman ang referee nila na taga score at may maliit na score board sa tabi ko. Kasalukuyang 4-8 ang score. Ang 4 ay sina jin at hob at ang 8 naman ay si tae at yoong. Kung sino unang makapuntos ng 10 ay siyang panalo.
Sa totoo lang masaya sila kasama dahil ang kukulit nila, hindi mo mafe-feel na iba ka, na katulong ka tapos sila sikat sa buong korea. Natural lang din sila gumalaw tulad ng mga pangkaraniwang tao. Minsan nga may pagkadugyot pa dahil pinapaamoy nila sa isa't isa ang kanilang utot.
Ayoko sana sumali kaso pinilit pilit nila ako. Nag luhod luhura pa sila sa harapan ko at nagmamakaawang maging referee nila. Hindi nga ako nakapaglinis kasi ang kukulit nilang apat. Ginagawa na nila iyong trabaho ko kahit hindi naman na kailangan linisin. Para lang daw sumali ako, sa huli ay sumali na ako. Nakakaawa rin naman kasi.
Pero hindi ako nagsisisi sumali kasi nag e-enjoy akong panoorin sila. Tawa kami nang tawa kasi itong si yoong kanina pa utot ng utot. Bukod pa sa ang ingay ng kaniyang utot ay ang baho rin kaya pag narinig namin iyon ay awtomatikong nagtatakip kami ng ilong.
Tapos natamaan pa sa mukha si jin, hindi naman iyon masakit dahil magaan lang ang bola. Kanina rin ay kakahabol sa bola ay nadapa pa si tae, subsob nga mukha niya pero okay lang dahil damo naman ang sahig kaya hindi masakit.
Matutuwa ka talaga sa kanila habang si jin na napakalakas ng tawa ay mahahawa ka nalang kahit hindi nakakatawa ang eksena.
Nang maka-recover sila sa pangyayari ay nakay hob na ang bola. Binato niya iyon kay yoong, imbis na saluhin ni yoong ay tumalikod siya at natamaan ang pwetan niya. Pagkatama ng bola sa pwet niya ay saktong umutot nanaman siya na animo'y pinindot iyon.
Nag-kaniya kaniya naman kami sa pagsisistakipan ng ilong dahil sa amoy na paparating. Humalagapak ng tawa si jin dahil doon kaya natawa rin kami, hindi na malaro ng maayos iyong laro nila sa totoo lang.
5-8 na ang labanan. Naging seryoso sila nang 8-9 na, mukhang ayaw nila magpatalo. Nang binato ni Tae ang bola ay hinangin iyon at tumilapon sa pool na malaki kaya di basta basta maaabot. Walang choice kundi ang bumaba sa pool.
Nagtuturuan sila kung sino ang kukuha sa pool ng bola dahil ayaw nilang mabasa, wala na akong choice kundi ako nalang. Napapataas na kasi ang boses nila dahil ayaw parin magtigil sa pagtuturuan kung sino.
Sinenyasan ko sila na tumigil na sa pagtuturuan kahit alam ko naman ang salita ng korean kaso para hindi ako mabuko, nag senyas nalang ako. Mahirap na baka masabi nila kay jeon.
Bakas sa mukha nila ang pag aalala dahil nga alam niya yung insidente noon dito. Pero iba naman na ako noon, pinipigilan pa nga nila ako pero tinuro ko iyong salbabida sa gilid at sinenyas na marunong na ako lumangoy dahil nag aral ako. Ngumiti nalang ako sa kanila dahil alalang alala sila sa akin.
Tumalikod na ako at pumunta sa pool. Hindi naman mahirap dahil nasa 4ft lang iyong bola. Kinuha ko iyon saka hinagis sa kanila.
Pagkabato ko sa kanila niyon ay bigla silang nagsihubaran ng shirt at kitang kita ko ang hulma ng katawan nila.
Yummy.
Napailing ako sa utak kong madumi. Nanlaki ang mata ko nang nag uunahan silang tumakbo papunta sa pool, napatakbo ako sa kabilang gilid dahil mukhang tatalon silang lahat.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...