Another date.
Alas dose na ng madaling araw. Tulog na rin si min at ako naman nandito sa sahig, hindi parin ako makatulog. Bumabagabag parin sa isip ko ang sulat doon, madali kong nabasa dahil hindi naman korean pero sukat kamay siya.
Siguro naiwan lang yun ng girlfriend niya? Extra coin purse lang yun na di niya na nagagamit kaya binigay niya sakin? Tapos doon niya nailagay yung papel na iyon? Oo ganun nga!
Pero paano kung pinasadya yun ni min? Paano kung siya iyon? Marunong ba mag english ang gf niya?
Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa pagbibigay ko ng malisya. Ipinikit ko nalang ang mata ko kahit hindi ako makatulog. Bahala na nga, siguro hindi niya lang napansin iyon.
*******
Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi kaya naman mukha akong zombie ngayong umaga habang naghahanda ng agahan ang mga kapatid ko at si min. Nauna na kasi sila inay at itay sa palengke ng maaga, naubos daw ang paninda niya kahapon kaya tutulungan siya ni itay na mag ayos sa palengke.
Madami daw customer ni inay kahapon dahil may dalawang gwapo. Isang koreano at isang amerikano, si andoy at min iyon. Hindi ko naman sila masisisi, gwapo naman kasi talaga sila.
Sasama sana ako kaso di nila ako pinayagan at mag asikaso nalang daw ako sa kapatid ko at kay min. Nanukso pa si inay sa akin na alagaan ko daw ng mabuti si min. Napa-iling nalang ako kay inay, kung alam niya lang kung gaano ko kagusto si min malamang tuwang tuwa iyon. Ganoon ka-supportive si inay sa lahat ng bagay na ikasasaya ko.
Pagkatapos ko magsalang ng tubig sa nagbabagang uling ay kumain na ako ng pandesal. Nagutom na kasi ako, gising ba naman magdamag.
"Good morning." napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Pagkatingin ko ay si min na nakangiti, nagpupungas pungas pa.
Ang cute niya, parang siyang bata. Namumula pa ang ilong at ang pungay ng mata habang nakangiti sa akin. Napaiwas ako ng tingin nang napakunot siya ng noo, napapikit ako sa inis dahil napansin niya atang nakatitig ako sa kaniya.
"Good morning. Wait for the hot water for your coffee before eating." sagot ko nalang at tinalikuran siya sabay subo ng pandesal. Napayuko pa ako sa kahihiyan, kainis.
"Okay. Wait, what happened to you?" Pumunta si min sa harap ko. Nakakunot parin ang noo niya habang nakatitig sa akin, napaiwas ulit ako ng tingin.
"W-what?" Umupo si min sa kaharap kong upuan sa table.
"Your eyebags." Napahawak ako sa eyebags ko. Shit, pansin na pansin ba? Malamang layla, si inay nga at itay tinawanan ka eh.
"Di ka ata nakatulog ng maayos 'nak? Siguro maganda nangyari sainyo ni andoy ano? Niyaya ka ba ng date? o baka naman si min? Naku 'nak, sabihin mo kay nanay ah."
Tanda ko pa na iyan ang eksaktong sinabi ni inay. Napailing iling nalang ako sa malisya ni inay, mas malisyosa siya sa akin. Sa kanya pala ako nagmana.
Napasapo ako sa noo at kumain nalang ng mabilis. Tumayo ako para umiwas at chineck kung kumukulo na ba ang tubig.
"Hey look at me. Is there any problem? You didn't get sleep?" Hinawakan ni min ang dalawang balikat ko at hinarap niya ako sa kaniya.
Napayuko naman ako, ito ang ayoko sa kaniya. Pinipilit kong mag move on pero paano ka makakamove on sa taong pilit na lumalapit sayo? Sa taong sobrang concern sayo? Bilang kaibigan...
"Nothing, insomnia." Pagdadahilan ko at yumuko.
Naramdaman ko ang titig niya sa akin, napayuko nalang ako lalo.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...