Avoid.
"Oh anak kumusta naman dyan?" Pambungad ni itay pagtawag ko sa kaniya.
Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama ng kwarto ko, katatapos ko lang magluto at iprepare ang pagkain nila.
Mas inagahan ko talaga para di ko sila maabutan na bumaba, lalo na si Min.
Ayoko munang makita siya sa ngayon, hindi ko alam gagawin ko para lang iwasan siya. Ang hirap lang dahil nasa iisang bubong kami tas iiwasan ko siya. Hays nakakabaliw mag isip ano pa bang gagawin kong pag iiwas. Ayoko kasing mas lumalim ang pagkagusto ko sa kaniya kaya kahit crush or gusto ko palang siya ay mabuti nang ihinto itong nararamdaman ko para sa kaniya.
"Anak? Nandyan ka pa ba?" Nagising ako sa pag iisip nang nagsalita ulit si itay.
"A-ah opo okay na okay lang po ako itay. Medyo choppy po kaya di ko kayo narinig. Kumusta kayo dyan? May budget pa po ba kayo? Malapit na rin po mag isang bwan kaya tiis lang po." Bigla ako nalungkot nang maalala kong tatlong araw ako hindi nakapagtrabaho dagdag pa doon ang pagpapaospital ko.
"Mabuti naman kami anak. Nagpapagaling na ang inay mo kasi namimiss ka na niya agad para daw makauwi ka na, kaso nandito ako ngayon sa bayan namamasada kaya di mo siya makakausap. Sakin na inihahabilin ni aling lidya ang telepono niya dahil di niya naman nagagamit daw at baka mapatawag ka kaya heto nga nasagot ko ang tawag." Kaya pala medyo maingay kila itay dahil nasa bayan siya ngayon habang naghihintay ng pasahero.
"Mabuti naman po. Matatapos na rin ang bakasyon sana po ay kayanin ng budget natin ang pagpapaaral kay popoy at diday pati mga kagamitan nila. Lalo na po si popoy itay gusto ko na makapag aral ang kapatid ko, huli na rin siya sa klase at sa edad niya eh. Kaya naman po nagin pagtulungan diba itay?"
"Oo pagkakasyahin natin anak, gusto ko rin na matuloy na si popoy sa pag aaral. Ha? Oho Sige ho! Oh, anak may nagtatawag na pasahero na. Ingat ka dyan ha? Mahal na mahal ka namin anak."
"Sisikapin po nagin ito itay kaya nating iyan. Sige po ingat din po palagi wag kayo magpapabaya diyan ha? Mahal na mahal ko rin po kayo."
"Sige anak paalam." Pinutol na ni itay ang kabilang linya.
Tumayo na ako para magbihis, nagbihis na ako ng itim at puting uniporme, lunes naman kasi ngayon kaya iyon ang kulay. Kaninang nagluto ako hindi kasi ako nalauniporme, nakapajama pa ako kakamadali.
Napagdesisyunan ko na ilugay ang mahaba at itim kong buhok ngayon at nagsuot nalang ng itim na headband. Nang makuntento na ako sa itsura ko ay napagdesisyunan ko na bumaba.
Sa tingin ko naman ay tapos na silang kumain kaya kakain na rin ako para makapaglinis linis na ulit.
Pagbukas ko nang pinto ng kwarto ko ay nagulat ako nang tumambad ang mukha ni Tae, Yoong, Jin at Hob sa pintuan ko, saglit silang napatitig sa akin di ko maintindihan kung ano iyon.
Mas nabigla ako nang nagsiluhuran sila sa harap ko, hinihila ko sila patayo pero nagmamatigas sila at paulit ulit nagsasabing "Mianhae." Sorry Habang nakadikit ang dalawa nilang kamay at kinikiskis iyon sa kamay nila. Alam kong nagsosorry sila sa kalokohang ginawa nila.
Nagmatigas talaga sila kaya nagtype na ako sa phone ko 'Tumayo na kayo, kasalanan ko naman kung bakit ganoon ang pakikitungo niyo sa akin sa umpisa palang kaya kahit hindi kayo humingi ng tawad ay napatawad ko na kayo.' Isinalin ko iyon sa korean tsaka pinabasa sa kanila.
Nagsiliwanag naman ang mukha nila. Nakita ko si Yoong na nagtype at binigay sa akin iyon 'Maraming salamat layla kahit na kasalanan ko iyon ay pinalabas mo nalang na aksidente ang nangyari. Maraming salamat kasi nakakatakot talaga si manager magalit.'
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...