Hide.
Ginawa ko na ang usual routine ko sa bahay na ito. Ang kinaibahan lang ay busy rin sila kaya nasa kani-kaniyang kwarto sila, bukod kasi sa tinext ni min na aalis na sila dahil katapusan na ng buwan at babalik na sila sa pagiging busy ay nagtext din sa akin si rey tungkol doon at kapag ganoon daw ay halos twice or thrice a month lang sila umuuwi dito sa bahay.
Mukhang magiging tahimik ang bahay na ito at wala akong ibang gagawin kundi maglinis kapag may kailangan nang linisin. Hays mukhang mabubulok ata ako dito, gusto ko kasi may ginagawa ako eh.
Katatapos ko lang magluto at iprepare ang breakfast kaya napagdesisyunan ko na umakyat. Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko si rey na nakaupo sa kama ko. Mukhang may gustong sabihin sa akin dahil hindi naman siya naparirito kung wala diba?
"Rey, bakit?" Napatingin sa akin si rey saka tumayo. "Oo, layla. Gusto ko sabihin sayo na nasa card na ito ang sahod mo para sa darating na buwan." Inabot sa akin ni rey ang card na iyon.
Tinignan ko ito pagkakuha at agad akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya muli. "Pasensya ka na hindi na kita maturuan kung paano gamitin iyan, naging busy ako lately dahil sa mga tanong ng fans about sa rumors ninyo ni Jeon." Nang marinig ko iyon ay napayuko ako sa kahihiyan.
"S-sorry rey dahil sa akin napahamak pa kayo. Sorry talaga, huwag ka mag alala pagsusumikapan ko nalang ito aralin. Kasalanan ko naman ang lahat ng ito. Hindi na mauulit." Di ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Napansin kong simula nang tumuntong ako sa bahay na ito ay sobra ang pagiging emosyonal ko.
Umiling siya. "Wala iyon, nabura na sa media ang pictures na iyon at nakalaan na magpa-press kami para malinawan ang lahat ng tao sa mga kumakalat na rumors sainyo ni Jeon, pag alis namin dito ay didiretso na kami doon bago kami pumunta ng ibang bansa para magconcert." Napabuntong hininga nalang ako sa narinig ko. Nakadagdag pa ako sa trabaho nila dahil sa akin, sinusumpa ko sa sarili ko na hinding hindi ko na ulit gagawin iyon mamatay man.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "H-Hindi na ako magiging pabigat sa inyo rey, pasensya na talaga. Magkano ang lahat ng utang ko saiyo? Pwede ba unti untiin lang bawasan iyon? K-Kailangan ni inay ng pambili para sa gamot niya." Pagmamakaawa ko sa kaniya habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mata.
Muking umiling si rey at marahang ngumiti. "Wala ka nang utang. Kahit pa hindi mo mababayaran ang tatlong araw na hindi ka nagtrabaho at bill mo sa ospital kung aalagaan mo itong bahay ng maayos habang wala kami. Ang nilagay ko sa bangko mo ay ganun parin na halaga." Nanlaki ang mata ko at hindi napigilang maluha. Niyakap ko si rey sa sobrang tuwa na naramdaman ko.
"Maraming salamat, salamat talaga rey. Pangako, aalagaan ko itong bahay kahit na hindi iyon utang ay gagawin ko parin dahil trabaho ko ito. Maraming maraming salamat!" Bigla siyang natawa sa inasal ko pero niyakap niya rin ako kalaunan.
"Wala iyon, oh siya heto ang susi at kandado ng bahay. Kahit na ito ang pinaka eksklusibo at estriktong subdibisyon sa buong korea ay maganda parin na ma-sure natin na walang magnanakaw. Alagaan mo ang bahay ha?" Inabot sakin ni rey ay kandado at mga susi ng bahay, kinuha ko naman iyon. Ang bawat susi ay may label kaya madali lang tandaan.
Tumango ako. "Makakaasa ka rey pangako! Maraming salamat ulit!" Ngumiti ako sa kaniya at ginantihan din niya ako ng ngiti.
"Mauuna na ako at mag-aasikaso pa. Bye." Tumango lang ulit ako habang nakangiti bilang sagot saka siya tumalikod at umalis ng kwarto.
Napakaswerte ko dahil si rey ang amo ko. Napakabait niya kahit kailan. Tatanawin ko iyon na malaking utang na loob dahil sa busilak na puso niya.
Nagbihis na ako ng uniporme ko para sa araw na ito. Napagdesisyunan ko na bukas nalang ako luluwas para aralin ang proseso sa bangko saka isabay ko na rin na bumili ng pagkain, napansin ko kasing wala nang stock sa ref kaya kailangan ko na mamili.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...