Present.
Hindi ako nakatulog kaya naman nang hindi na kumatok si Min ay bumalikwas na ako at naghanda ng breakfast niya. Hinanda ko iyon at naglinis ng mga dapat linisin at ayusin ang dapat ayusin. Saktong mag aalas singko na rin kasi.
Maingat akong hindi makalikha ng ingay dahil baka malaman niya na nandito ako sa sala at naglilinis. Baka pilitin niya nanaman akong kausapin siya, kahit alam ko naman sa sarili kong hindi ko talaga siya kayang harapin.
Napabuntong hininga ako habang inaayos ang unan sa sofa. Paano nga ba ako makakaiwas kung nasa iisang bahay lang kami? Ang hirap nito, para akong nakikipaglaro ng tagu-taguan eh.
Natapos ako sa paglilinis ng alas-syete ng umaga. Nakaramdam ako ng antok kaya naman napagpasyahan ko nang matulog ulit.
*****
Nagising ako ng alas dose ng tanghali, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Min. Anong gagawin ko? Alangan naman magpakabulok ako dito, may trabaho naman ako kaso tapos na ako maglinis.
Bahala na.
Nasa hagdanan ako nang nakarinig ako ng ingay. Pagbaba ko ay nakita ko sa sala ang buong bang boys na nagtatawanan kasama si Rey, napangiti ako dahil salamat sa diyos at hindi mahirap na umiwas ng umiwas.
*****
Araw ng linggo, ang espesyal na araw sa buhay ko.
Ang aking kaarawan.
Tumawag ako kay itay, nakailang ring din bago niya iyon sinagot.
"Hello, anak pasensya na inaayos ko iyong tricycle nagkaproblema ng konti, hindi ko napansin na kanina ka pa tumatawag." Sunod sunod na paliwanag ni itay. Nagsimula na akong kumuha ng damit sa closet na nakatoka sa suot ko kapag linggo.
"Wala po iyon itay, kumusta po kayo diyan?" Inipit ko ang cellphone sa ulo kong nakahilig at sa balikat habang kinukuha ang susuotin kong uniporme sa araw na ito.
"Okay lang kami anak, alam mo ba na nag top 1 si popoy sa klase niya. Si diday naman ay tumaas ng tumaas ang grado niya ngayon, ang inay mo naman ay sinabi ng doktor na ituloy lang ng ituloy ang gamutan niya dahil malaki na ang pinagbago sa sakit niya, kumokonti na daw ang apektado bg sakit niya anak." Napangiti ako ng malaki dahil umaga palang ay nakarinig na ako ng magandang balita.
Kahit iyon lang ay sobrang saya ko na sa balita na iyon. Maraming salamat sa regalo sa akin ng diyos, tunay na napakabait niya.
"Salamat sa diyos, itay. Makakabangon na tayo" napaluha ako at di mapigilang ngumiti dahil sa balitang iyon.
"Kapit lang anak, o'sya, magtatrabaho na si itay ha? Ingat ka diyan." Saad ni itay at narinig ko ang pagbukas ng makina niya ng traysikel.
"Opo sige po itay kayo rin po mag iingat diyan. Bye itay." Di na sumagot si itay kaya pinatay ko na ang tawag, mukhang nag-drive na siya at may pasahero na kaya okay lang.
Nag-ayos na ako ng aking uniporme tsaka bumaba sa kusina para magluto. Naabutan ko silang gising na at nagkukulitan sa bakuran, nagsimula na ako maghugas ng pinggan dahil mukhang nagluto na si Jin ng agahan.
Hindi naman ako ganoon kagutom kaya nag biskwit nalang ako habang nagwawalis sa harap ng bahay. Napakalamig nanaman ng klima ngayon at napatingin ako sa langit na napupuno ng ulap.
Napapikit ako nang biglang may tumulong maliit na bagay sa mukha ko. Kinuha ko iyon at nakita kong maliit na pinong yelo.
Napatingin ako sa paligid at ito pala ang unang pagbagsak ng nyebe. Ang kaarawan ko rin pala ang katulad ng unang nyebe dito sa korea. Napangiti ako ng mapagtanto iyon.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...