Begin Again.
"Your turn." Ani rey.
Napatingin ako sa kaniya, nakalahad na ang shot glass na may lamang soju.
Nakailang bote na kami. Sampu kami ngayon dito sa living room na nakapalibot sa maliit na table kung saan ang soju na iniinom namin.
Katabi ko sa kaliwa si jeon na tawa nang tawa sa katabi niyang si hob pero maya't maya rin ang kalabit sa akin. May sinasabi siya na mga karanasan niya for the past years, pati mga kalokohan niya kaya pati ako ay natatawa na rin.
Sa kanan ko si tae, ang lakas uminom ng isang 'to. Feeling ko may pinagdadaanang problema dahil tahimik na siya hindi tulad dati, pero pwede rin namang nag matured lang at naging seryoso na sa buhay.
At kung mamalasin nga naman, si min ang kaharap ko habang katabi niya si hyun ae na nag ce-cellphone lang. Siguro ay wala siyang ka-close sa bang boys kaya ganun. Hindi rin kasi siya kinakausap or ina-approach, walang nagtatangka. Hindi rin sila masyado nag uusap ni min. Ang kausap ni min ay si joon na katabi niya lang rin.
Paminsan minsan nakikita kong napapadaan ang mata niya sa gawi ko, kapag ganoon ay umiiwas agad ako ng tingin. Naiilang ako sa pwesto na ito at gusto ko man lumipat kaso baka magtanong sila kung bakit. Big deal pa naman konting galaw sa mga koreanong 'to.
Lahat sila ay nag alala kanina sa pag walk out ko. Sinundan ako ni jeon kaya naman nagpahupa lang ako ng luha, nakita nga ako ni jeon pero wala naman siyang tinanong sa akin. Hinayaan niya lang akong umiyak saka kami sabay na bumalik.
Nag aalala sila nang makabalik kami. Pinagtakpan ako ni jeon na may ka-face time daw ako kanina na family member ko kaya lumayo ako. Kaya naman sobra ang pasasalamat ko nang siya ang nagdahilan para sa akin. Kaya heto, inaya na nila kaming uminom.
"You shouldn't crying, no one will wipe your tears again when you get away."
Isa ring dahilan para tumigil agad ako sa pagluha ay naalala ko ang sinabi ni andrew sa akin, kaya dapat ay mukha akong matatag kahit na durog na durog na ako sa loob ko. Kailangan kong umarte na parang ayos lang ang lahat.
Kinuha ko ang shot glass sa kamay ni rey. "Ang bilis naman." Reklamo ko.
Ang hirap pa naman. Mga koreano ang lalakas uminom kahit walang pulutan! Hindi ako sanay, at kung nandirito man si andrew, malamang pinagbawalan niya na ako. May kasama pang pangangaral pag nagkataon.
Andrew Andrew Andrew. I'm still thinking of you.
Namimiss ko na agad siya. Sana ay okay lang siya..
"Wala kang magagawa, mga lasenggero kasama mo." Bwelta niya.
Natawa na lamang ako at napailing. To be honest, I feel tipsy, malakas ang tama ng soju o kahit anumang alak sakin. Mababa ang alcohol tolerance ko kaya delikado kapag nalasing ako dahil baka di ako makauwi.
"You're good at speaking korean."
Napalingon ako kay jeon nang sabihin niya iyon. Nakangiti siya sa akin saka siya tumungga sa shot glass.
"I know right." Pagmamalaki ko.
Ang hirap kaya ng wika nila at nakakabulol, pero nakaya ko dahil sa sipag at tiyaga. I should be proud!
Pumupungay na ang aking mata kaya maya't-maya ay kinukurot ko lang ang sarili ko patago para manatiling matino kahit na nag iinit na ang pisngi ko. Wala ring ibang pumapasok sa isip ko kundi si min.
Si min na wala namang pakialam sa akin. Si min na kasal na sa iba. Si min na nasa harap ko lang pero ang hirap parin abutin at... hindi na pwedeng abutin.
BINABASA MO ANG
Your Maid [Completed]
FanfictionSi Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Ngunit di niya inaakalang malalaking tao pala ang kaniyang amo? hindi literal na malalaking tao pero kila...