Your Maid 4

3.4K 69 2
                                    

First Day.

"Hmm, maganda siya pero masyado atang maiksi para sakin?"

Sinubukan kong suotin iyon saka ako humarap sa salamin. Halos lumuwa ang mata ko dahil sobrang iksi nitong pang ibaba sa akin!

Pantay naman ang kayumanggi kong balat hanggang sa baba ng puwetan ko, pero di ako sanay sa ganito. Halos lumuwa ang mata ko nang humarap ako sa salamin dahil sobrang iksi.

Diyos ko naman! Ngayon lang ata ako makakapagsuot ng ganito ka-iksi sa tanang buhay ko!

Pinilit ko ibaba ang damit na iyon pero tumataas lang ulit kapag gumagalaw ako. Napasapo nalang ako sa noo. Naiisip ko pa lamang na kailangan kong maglinis o kaya ay mag pupulutin ako sa sahig ay malamang makikita ang kaluluwa ko! Diyos ko!

Tinanggal ko na ang damit na iyon saka nag suot ng pantulog. Malaking problema ito para sa akin susuotin ko pa naman iyon kinabukasan. Oo nga't magaganda at magara iyon para sa isang kasambahay pero pare pareho lang sila ng sukat, lahat ay maiiksi ang pang-ibaba.

Napabalikwas ako habang nag iisip kung anong pwedeng isuot para bukas. Hindi pala bukas kundi mamayang umaga dahil ala-una na ng madaling araw.

Ah! Alam ko na! tutal naman ay kumpleto dito malamang alam ko na ang susuotin ko, sana nga lang ay babagay iyon.

Bahala na!

Napakamot nalang ako ng ulo saka humiga ulit. Hindi ko namalayang dinadalaw na pala ako ng antok...

*Kriiiing!* *Kriiiiinnnggg!*

Napabalikwas ako sa malakas na tunog na iyon. Pupungas pungas pa ako saka hinawakan ang maliit na orasan. Alarm clock ata ang tawag dito, naririndi na ako sa ingay ngunit di ko alam paano patayin iyon kaya tinanggal ko nalang ang baterya sa likod ng orasan na iyon saka binalik ulit.

Umepekto naman dahil tumahimik ito, tumingin ako sa oras at alas singko na ng umaga. Si rey ata ang nag ayos ng oras na ito dahilan upang bumangon na ako.

Pumunta ako sa palikuran at naghilamos ng maigi at nag mumog na rin. Pagpunta ko sa closet ay bumagsak ang dalawa kong balikat sa ideyang isusuot ko na nga iyon.

May hinanap akong kung anong pwedeng isuot matakpan lang iyong pambaba ko dahil sobrang iksi, hindi naman ako nabigo nang may nakita akong stackings na kulay itim.

Sinuot ko iyon na abot hanggang tiyan. Sunod kong isinuot ang damit na kulay itim at puti, para ito ngayong araw lunes at sa mga susunod na araw ay ibang kulay naman.

Dumiretso ako sa salamin. Mabuti namang bumagay iyon sa suot ko at di na halata ang kaluluwa ko. Maigi na ito, isa pa, ang lamig kaya dito kaya di ko kayang mag-maiksing damit. Kung hindi man malamig ay di ko parin kayang magsuot ng ganoon.

Pinusod ko na ang mahaba at itim kong buhok saka naglagay ng pulbos sa mukha at lip gloss. Kahit naman kasi ganito ako ay ayaw ko naman magmukhang haggard. Sa baba ng mga damitan ay may mga iba't-ibang klase ng sapatos at mayroon ring tsinelas na ma-balahibong kulay abo at itim. Iyon nalang ang isinuot ko.. bahala na nasa bahay lang naman ako.

Pero infairness, ang lambot sa paa!

Paglabas ko ng kwarto ay madilim dilim pa at tahimik. Ang mga kwartong nadaanan ko ay may mga pangalan ngunit di ko naman mabasa dahil korean. Patuloy lang ako naglakad at di rin naman ako nakakagawa ng ingay dahil sa karpet na tinatapakan ko.

Your Maid [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon