Chapter 2

1.6K 38 0
                                    

Kendra POV

Kring...

Nagring na ang bell, nagsimula naring maglabasan ang mga kaklase ko. Tumayo na rin si Yara.

"Kendra halika na"pagyaya saakin ni Yara.

"Mauna ka ng lumabas"sagot ko.

"Ok, bilisan mo"she said.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pag aayos sa mga gamit ko. Pagkatapos kong ayusin ay lumabas narin ako.

"Ang tagal mo?"reklamong tanong saakin ni Yara ng makalabas ako.

Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa paglalakad, sumunod naman sya saakin.

"Nagkita ulit kayo ng ex-boyfriend mong manloloko, at ito pa kaklase pa talaga natin sya, ok lang ba sayo yun"sabi nya habang papunta kami sa locker room.

"Yara nakamove-on na ako saka 3 years narin ang nakalipas simula ng iwan nya ako"sagot ko sakanya.

"Talaga lang ha"tanong nya, habang nakatingin sa locker nya.

"Hmm.."sagot ko. Habang inaayos ang mga nilagay kong books sa locker.

"Okay sabi mo eh"sagot nya at sinara na ang locker nya.

Sinara ko na rin ang locker ko at nagsimula ng maglakad papunta sa canteen. Sinabayan naman ako ni Yara na maglakad saka inakbayan.

"Pero ang pagkakaalam ko gabi gabi mo syang iniyakan, saka diba dyan ka nga natututong uminom dahil sa sakit na pinaramdam nya sayo"nang aasar na pagkasabi nya.

Hindi ko na lang sya pinansin at tinanggal ang pagkaka akbay nya saka pumila na ako para kumuha ng makakain. Nang makakuha ng pagkain ay umupo na ako sa bakanteng upuan at nagsimula ng kumain. Naramdaman ko namang may umupo sa harapan ko.

"Yara kinuhanan mo ba ako ng tubig?"tanong ko ng hindi tumitingin sa kaharap ko.

May inilapag syang isang bottle water sa harapan ko.

"Salamat"sagot ko.

Nang hindi sya nagsalita ay nagtaka ako dahil kapag nagpapasalamat ako ay sasabihin nyang 'welcome' inangat ko ang ulo ko para tanungin kung bakit hindi sya nag welcome.

Pero pagka angat ko ng ulo ko, biglang nanlaki ang mata ko ng makita na hindi si yara ang nasa harapan ko ngayon.

"A-anong g-ginagawa mo d-dito?"utal na tanong ko kay Charlie.

"Gusto lang kitang kamustahin"sagot nya na may ngiti sa mga labi.

"Ahmm.."sabi ko habang ginagala ang mga mata para hanapin si Yara.

"Hey kendra, sino bang hinahanap mo?"tanong nya saka lumingon lingon din. Napatingin naman ako sakanya.

"Ha? A-ano si Yara"sagot ko habang nakatingin sakanya ng deretso.

"Ah nakita ko sya kaninang lumabas ng canteen."he said habang nakatingin din saakin ng deretso. Kunot noo naman akong tumingin sakanya.

Bakit naman aalis ng canteen si Yara.

Agad akong tumayo at iniwan sya, pero sa pagmamadali ko, may nakabangagaan nanaman ako. "Ahhh.." napasigaw ako at na out balance kaya tumapon saakin ang daladala nyang carbonara.

"Hindi kaba marunong tumingin  sa dinadaanan mo?"pagalit na sigaw nya saakin.

Naramdaman ko namang may humawak sa wrist ko at tinulungan akong tumayo.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon