Chapter 25

687 16 0
                                        

Kendra POV's

Kakatapos lang ng afternoon class namin. Nandito kami ni Yara sa parking lot hinihintay yung mga pinsan ko.

Nauna ng umalis si Charlie dahil tumawag yung mommy nya at may biglaang emergency daw.

Hinihintay naman ni Yara yung sundo niya kaya sinamanhan na muna niya akong maghintay.

"Ate kendra"rinig naming sigaw ni daisy. Kasama nya si mich.

"Yan ba yung isa mo pang pinsan?"bulong sakin ni Yara tumango tango lang ako. "Ganda talaga ng mga lahi nyo"dagdag pa niya napangiti naman ako.

"Hi ate kendra halika na uwi na tayo"daisy said.

Para talagang bata toh!

Hahatakin na niya sana ako ng bigla siyang mapatingin sa gilid ko.

"Ayy may kasama ka pala, hello po"she said sabay bitaw sa braso ko.

"Hi I'm Yara"pakilala ni Yara.

"Daisy po, Daisy Ty Zamora"saad niya saka nakipagkamay.

"Eh pano ba yan Yara, una na kami"saad ko kay Yara.

"Ayaw mo talagang sumabay nalang saakin?"

"Hindi na, malapit lang naman yung samin dyan eh, thank you nalang"

"Hmm sige ingat nalang kayo ah bukas nalang ulit"she said.

Nauna na kaming umalis saka nag abang ng masasakyan sa labas.

Sakto namang may dumaan na jeep kaya agad kaming nakasakay.

"Ako na magbabayad sainyo"saka ako kumuha ng pera sa bag. "Bayad ho makikiabot"sabay abot ko dun sa babae.

"Sa probinsya walang ganito ate"kapagkuwan ay saad ni dasiy.

"Meron naman kaso sa mga bayan lang yun"

"Ah ganun ba"tumango lang ako.

Bumaba na kami sa tapat ng village namin. Tapos ay naglakad ulit kami.

"Grabe araw araw ganito ginagawa mo ate kendra?"tanong naman ni mich.

"Oo nasanay na ako minsan nga nilalakad ko pa mula school hanggang dito"kahit madilim na ang sarap parin sa balat ng simoy ng hangin.

"Bakit hindi ka magpaturo kay tita magdrive ng kotse"daisy said. Napangisi pako.

"Bawal pang magdrive pag hindi pa 18"

"Ah ganun ba"

"Hmm kaya kayo pag 18 na kayo dun palang din kayo magsasanay magdrive ng kotse"paliwanag ko. Tumango nama sila.

And speaking of kotse!

Pagdating namin sa bahay may kotseng nakaparada sa labas ng bahay namin.

"Kanino kotse yan?"tanong ni mich.

Nagkibit balikat lang ako saka na kami pumasok sa loob.

Pagpasok namin bumungad saamin si Xian na nakaupo sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito?"nakakunot noong tanong ko agad.

"Oh anak nandyan na pala kayo"saad ni mama na kakalabas lang ng kusina na may dalang mirienda

Nagmano kami kay mama ng maihapag niya yung mga dala niya.

"Akyat na muna po kami sa taas"saad ni mich tapos ay umakyat sila sa taas.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon