Kendra POV
"Damn it"malakas na sigaw ng lalaking natapunan ko.
Agad agad akong tumayo saka humarap sakanya. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na si Xian pala ang natapunan ko.
"S-sorry h-hindi ko s-sinasadya"utal na sagot ko.
Humarap sya saakin.
"Anong hindi sinasadya nakita mo ng may tao dito"sigaw nya saakin.
Hinarap ko kung sino ang nagtalisod saakin. Ara.
"Ikaw"turo ko kay Ara."bakit mo ako tinalisod?"galit na sigaw ko sakanya.
Tumayo sya at hinarap ako.
"Excuse me, bakit naman kita papatidin"mataray na sagot ni Ara saakin.
Nagulat ako ng hawakan ako sa braso ni Xian.
"Aray nasasaktan ako"
"Kuya Xian hindi naman nya sinasad-"naputol ang sasabihin ni Yara.
"Tumahimik ka Yara"sigaw sakanya ni Xian."sinisisi mo pa sa iba ang kasalanang ginawa mo"galit na sabi nya saakin.
"Hindi ko naman talaga kasalanan dahil pinatid nga ako ng babaeng yan"galit na sabi ko rin sakanya.
'Hindi ko naman talaga kasalanan eh'
"Oh come on kendra, bakit naman kita tatalisudin kung alam kong nandyan si Xian"mataray na sabi nya saakin.
Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante dito sa canteen.
"Talaga bang gusto mo akong kalabanin"sabi ni Xian.
Hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa braso ko. At ang sakit sakit na.
"Kuya Xian nasasaktan na si Kendra"sabi ni Yara.
"Pare, tigilan mo na yan"sabi din ni Margo kaibigan ni Xian.
"Pwede ba magsitigil nga kayo dyan, bakit nyo ba kinakampihan tong babaeng to"galit na sabi nya saka sinamaan sila ng tingin.
Biglang hinawakan ni Kerby ang kamay ni Xian saka ito tinanggal sa pagkakahawak saakin.
"Ano ba kerby"galit na sabi ni Xian.
"Nasasaktan na yung tao, hindi nya naman kasalanan"pagtatanggol saakin ni kerby.
"Anong hindi kasalanan, nakita mo ng tinapunan nya ako oh"Xian said.
"Para kang bata, pwede ka namang magpalit ng damit"kerby said.
"Anong"sabi nya"hoy kerby, may gusto kaba sa babaeng yan"dagdag nya.
Nagbulungan ulit ang mga estudyante dito sa canteen.
Tumingin ako kay kerby, pero seryoso lang syang naka tingin kay Xian.
"Ang saakin lang babae yan, hindi dapat sinasaktan"seyosong sagot nya.
"Tsk..bahala ka nga dyan"pagsuko ni Xian.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...