Chapter 1

2.6K 40 1
                                        

Kendra POV

"Maaaaa..."sigaw ko habang nagmamadaling bumababa ng hagdan dahil malalate na ko sa klase. It's already 6:30 in the morning 7 A.M lang simula ng klase. I'm 3rd year college.

"Kendra ano bang nangyayari sayo at sumisigaw ka, magdahan dahan ka nga baka malaglag ka dyan"paalala saakin ni mama, of course may care sya sakin.

"Alis na po ako ma"sagot ko ng makababa at nagtungo sa maliit na lamesa na nasa sala para kunin ang bag ko.

"Teka anak, hindi kapa nag aalmusal"tawag pansin saakin ni mama saka may inabot syang isang sandwich."Dalin mo ito baka malipasan ka, kainin mo yan habang nasa daan ka"dagdag na sabi ni mama, kinuha ko naman ang sandwich at hinalikan sya sa pisngi.

"Thank you ma, I love you"pagkasabi ko ay nagmadali na akong lumabas.

"I love you too, anak"rinig kong pahabol na sigaw ni mama.

Humarap ako sa kanya at sinuklian sya ng ngiti, nagmadali na akong tumakbo papunta sa kanto para doon maghintay ng masasakyan, pero sa kamalas malasan ko nga naman ay wala pang dumadaan na sasakyan dahil maaga pa, kadalasan kasi ang mga sakayan dito ay alas otso pa ng umaga bumabyahe.

Nilakad takbo ko na lang ang school para hindi ako malate, malapit lapit lang din naman ang school sa subdivision namin.

Ng makarating na ako ay hinihingal akong pumasok sa gate pero sa pagamamadali ko nga may nakabanggaan ako. Dahil sa lakas ay pareho kaming natumba.

"Aray..."sabi ko habang sapo sapo ang puwitan na nasalampak.

"Ano ba, hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"pagalit na tanong nya matapos tumayo.

Tumingala ako para makita kung sino ang nakabanggaan ko, magsasalita na sana ako ng manlaki ang mata ko at mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

dO_Ob

"C-charlie?"utal na tanong ko.

Kunot noo nya naman akong tinitigan na akala mo hindi nya ako kilala." Kendra? kendra ikaw ba yan"sagot nya ng makilala ako. Ng mahimas masan ay inilahad nya saakin ang kamay nya para tulungan ako, pero hindi ko kinuha yun at mag isang tumayo saka inayos ang sarili.

"Ahmm pasensya na, Are you okay?"tanong nya saakin.

Pero imbes na sumagot ay agad akong tumakbo dahil tumunog na ang bell. Nagmamadali akong umakyat ng 3rd floor para mauna ako sa terror teacher ko sa english. Kahit college na kami pinagagalitan pa rin kami ng mga teacher namin.

Pagtapat ko classroom ay mukhang nagkamali ako dahil pagdating ko doon ay nandun na si Ms. Dizon, agad nya akong napansin.

"Your late again Ms. Zamora"she said.

"I'm sorry ma'am, I just had an emergen-"naputol ang sasabihin ko ng bigla syang sumigaw.

"I don't need your explanation Ms. Zamora"sigaw nya saakin"You always tell me you have an emergency at home"dagdag na sigaw nya. Kita mo rin sa mga mata nya kung gaano sya kagalit.

Yumuko na lang ako at hindi malaman kung ano ang sasabihin. Tama naman si ma'am sa tuwing nalalate ako ay lagi ko na lang dinadahilan na mayroong emergency sa bahay kahit wala naman talaga.

"Sorry ma'am"sagot ko sa mahinang boses habang nakayuko.

"You-"hindi na natapos ni ma'am ang sasabihin niya dahil may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Excuse me ma'am"anang boses ng lalaki. Agad naman akong tumingin sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ng mapagtanto kung sino.

dO_Ob

"Yes?"tanong ni Ms. Dizon.

"I'm transferee here"sagot nya.

Hindi pa rin mawala ang paglaki ng mata ko habang nakatingin sakanya.

"Oh! Come in"utos ni ma'am sakanya na agad naman nyang sinunod. Sinundan ko naman sya ng tingin habang papasok sya.

"Introduce yourself"pag uutos ni ma'am

"Good morning, I'm Charlie Storm"maikling pagkilala nya. Narinig ko namang nagbulungan ang mga kaklase ko.

'Grabe ang gwapo nya'
'Oo nga eh'
'Buti nalang dito ako sa section nato na punta, nandito lahat ng gwapo'
'Sinabi mo pa'
'Pero wala paring tatalo sa kagwapuhan ni Cian'

Bulong ng mga kaklse kong akala mo mga clown sa sobrang kakapal ng make up."Ok Mr. Storm go to your seat"pagkasabi nun ni ma'am ay naghanap na sya ng upuan, sinundan ko pa kung saan sya uupo, nanlaki na lang ang mga mata ko ng makitang sa tabi pa mismo ng upuan ko sya umupo.

"Ms. Zamora"tawag pansin saakin ni ma'am.

"Yes ma'am?" Sagot ko at tumingin sakanya.

"I'll give you a chance, next time you late again, I will not accept you in my class, ok?"she said.

"Yes ma'am, I'm sorry again" sagot ko.

Tumango naman sya, nagsimula na akong bumalik sa upuan ko. Habang pabalik ay nakatingin silang lahat saakin na akala mo may ginawa akong kasalanan sakanila. Ng makaupo ako ay siniko ako ni Yara na bestfriend kona simula nung first year high school kami, lumapit sya saakin saka bumulong.

"Bakit late kananaman?"tanong nya.

"Tinanghali lang ng gising"sagot ko.

"Tinanghali ng gising, oh, nagbasa ka nanaman ng libro?"sagot nya sa mahinang boses.

I rolled my eyes, hindi ko na sya sinagot pa dahil alam nya na kung ano ang sagot sa tanong nya. Sa halip ay tumingin na lang ako sa harap at nakinig sa tinuturo ng teacher namin.

Habang nakikinig ay may biglang nagsalita sa kaliwa ko. Hindi namab pwede si yara yun dahil boses lalaki at nasa kanan ko sya, agad akong tumingin sa kaliwa at nakalimutang dito pala umupo sa tabi ko si charlie.

"Hi, nice to see you again, magkaklase pala tayo?"tanong nya tinaasan ko sya ng kilay.

"Hi"maikling sagot ko.

Tumingin na ako sa harap para makinig, napatigil naman si ma'am sa pagsasalita ng biglang pumasok sila Xian at ang mga kaibigan nya.

"Sorry ma'am, we are late"sagot nya ng magalang. Tumango lang si ma'am at pinagpatuloy na ang pagsasalita. Pumunta na rin sila Xian sa kanilang mga upuan.Palibhasa may ari ng school kaya hindi pinagagalitan pag nalalate.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon