Kendra POV's
4 months have passed.
Ang bilis ng panahon.
Parang kahapon lang, dinadaan daanan lang ako ng mga tao. Ngayon halos kilala ako. Halos lahat ngumingiti saakin at nakikipag usap.
Maybe, they know me not only because nanalo ako as the president ng student council but also because I'm with the hottest guy in school right now.
Yes, that's right.
Hindi pa din nawala ang kasikatan ni Xian sa buong campus. Mas lalo pa itong pumayagpag ng magkaroon ulit ng varsity sa school. Everytime na tumatagaktak na ang mga pawis niya sa mukha dahil sa paglalaro ng basketball.
Kahit na alam nilang may girlfriend na si Xian, di pa rin dahilan yun para itigil nila yung pagpapantasya kay Xian.
Most girls have crush on him. And it doesn't bother me anymore.
He's still sweet and caring and thoughtful and everything.
Though, this past few days medyo nawawalan na kami ng time parehas sa isa't isa.
But this is for our future. Tsaka masaya kaya pag may sinalihan kang clubs.
Kian: "Wazzup lovebirds"
Margo: "Sup twinybirds"
Kerby: "Heyyy"
Yara: "Hi kendra"
"Anong mga nakain nyo?" Tanong ni Xian.
Kian: "Actually, hindi pa nga kami kumakain eh"
Margo: "Hinintay kasi namin kayo"
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Because we celebrating the birthday boy" biglang sigaw ni kian at lumapit kay kerby na ngingiti ngiti lang.
"Ow happy birthday" saad ko. Ngumiti lang ito saakin. Lumapit si Xian kay kerby tsaka inakbayan.
"Happy birthday bro, tanda muna"
"Mas matanda ka pa rin" natatawang sambit ni kerby. Nalukot naman ang mukha ni Xian saka lumapit saakin.
"Matanda naba ko?" Tanong niya na nagpacute pa. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.
"Syempre naman hindi, ikaw kaya ang baby ko" saad ko at napangiti ito.
Kian: "Ang cheesy"
Margo: "Ako'y kinikilig, pag ika'y lumalapit ako'y nanginginig"
Natawa kami ng biglang kumanta si Margo. Binatukan ito ni Xian. "Kakanta kanta sintunado naman" pang aasar ni Xian.
"Tumula ako hindi ako kumanta" pagdedepensa pa niya.
"Tara na, ako ang manlilibre ngayon kahit hindi ako ang may birthday" sigaw ni Xian at tuwang tuwang nagtatalon si margo at kian. Nilapitan ni Xian si kerby saka inakbayan. Lumapit naman sakin si Yara.
Pagdating namin sa canteen, ang daming pagkain na inorder ni Xian.
Kian: "Ang dami nyan bro"
Margo: "Mabubusog ako dito"
Yara: "Kakalimutan ko munang nagdidiet ako"
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Ficção AdolescenteKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
