Kendra POV
"Kendra"bulong saakin ni Yara.
"Bakit?"tanong ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Anong sagot sa number 3?"
That's Yara Sarmiento....
Sa tuwing science time namin, lagi syang kulelat.
Mahina talaga sa science tong babae nato.
"Yung ano yun....Biomolecules, yung sa lipids"
"Sge"
Tignan mo to...
Hindi marunong mag thank you.
Tapos pag ako hindi nag thank you magagalit...haysss
Umayos na ako tapos nagsagot na ulit ako sa test paper ko.
*blag*
Lahat kami nagulat dahil sa lakas ng kalabog ng pintuan nung bigla itong bumukas.
"Sorry maam, I'm late"sabi ni Xian tapos dumiretso na sa upuan nya.
Ngayon lang pumasok si Xian, kanina kasi pagkatapos naming magsagutan, hindi sya pumasok, tanging mga kaibigan nya lang ang pumasok.
Hindi ko alam kung bakit. Naguilty siguro sa ginawa saakin kaya nag isip isip muna HAHAHA.
Char lang yun...
Bakit naman ako iisipin nyan, ni sorry nga walang sinabi.
"Bakit late ka Mr. Sarmiento, diba ang sabi ko may test kayo ngayon, tapos malala---"
"Ma'am wala ho kayong sinabing may test kami ngayon"putol ni Xian sa sasabihin ni Mrs. Roura.
"Mayroon akong sinab--"
"Wala ho Mam"
Nagtawanan ang mga classmates ko..
Haha, totoo naman kasi, wala namang sinabi si Mam na may test kami ngayon.
Pinipilit pa kasi, kaya tayo napapahiya at nasasaktan eh..
(Haha, may pinagdadaan ka author)
"Pinipilosopo moba ako Mr. Sarmiento?"
"Sinasabi ko lang ho yung totoo Mam"
Tinignan lang sya ni Mam. Hindi kasi pwedeng magalit si Mam kay Xian dahil sila ang may ari ng school nato.
Natatakot kasi sila na matanggalan ng trabaho.
Alam nyo naman si Xian, dakilang badboy at walang modo yan.
Binigyan din ni Mam ng test paper si Xian.
"Baka bigla na lang bumulagta dyan yan dahil sa mga tingin mo"pang aasar na sabi saakin ni Charlie.
Napalunok ako at hindi ko na lang sya pinansin tapos tumingin na ako sa test paper ko.
*kring*
Nag-ring na yung bell kaya pinauna ko muna silang mag past ng test paper.

BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...