Thank you so, so much for the reading till the last chapter.
**********
Kendra's POV
Kakauwi lang namin ng bahay ngayon dahil kakalabas ko lang ng hospital.
"Wag mo ng gagawin ulit yung ganun" Sabi ni tita kath pag upo ko. "Nangako ako sa mama mo na aalagaan kita" dagdag pa nya.
"Apo hindi yan ang solusyon para makasama mo ang magulang mo, mayroong tamang panahon para dyan. Wag mo ng gagawin yun apo ko" Sabi ni Lola, ngumiti ako saka niyakap sya.
"Sorry la" I said.
"Paano kaya kung umuwi nalang tayo ng probinsya" natigilan ako saka tumingin kay tita kath. "Baka dun makalimutan mo ang lahat"
"Makalimutan?" Tanong ko.
"Kasi anak mas makakabuti sayo yu---"
"Hindi" ang nasabi ko. "Nandito si mama, dito ako lumaki, hindi ako uuwi ng probinsya" Sabi ko tsaka pinilit na tumayo .
Mich: "Ate kendra"
"Kaya ko" pinilit kong maglakad kahit na nanghihina parin ako.
Uuwi? Hindi pwede. Nandito si mama. Dito ako lumaki. Nandito na ang tahanan ko tapos babalik ako ng probinsya.
Nahiga ako sa kama tsaka ipinikit ang mga mata.
NAGISING ako sa ingay na nannggagaling sa baba. Kinuha ko ang unan saka ipinantakip sa tenga ko. Nakuha pa nilang magsaya. Nakuha nilang magsaya kahit nawala na si mama.
Naririnig kong mga nagtatawanan ito at nagsisigawan.
Biglang bumukas ang pinto ko tsaka pakalabog na sinara.
"Ano ba" malakas kong sigaw. Kita kong nagulat at umiyak si Cyrile anak ni tita Kath. She's already 6 years old.
Bigla namang pumasok sila mich dito kasama si daisy.
Mich: "Ate sorry" tsaka pinatahan si Cyrile.
"Ano bang ginagawa nyo at panay ang sigawan nyo dyan?" Galit kong tanong.
Daisy: "Naglalaro kasi kami ng taguan ate"
Nangunot ang noo ko at nakangangang tumitig sakanila.
"Taguan? Ang tatanda nyo na naglalaro pa kayo ng taguan, naninira kayo ng tulog eh" sigaw ko sakanila na ikinalakas ng pag iyak ni Cyrile.
Mich: "Sorr--"
"Anong nangyayari dito?" Kapagkuwan ay tanong ni Tita kath na kakaakyat lang. "Cyrile, bakit umiiyak ka. Kendra bakit ka sumisigaw, naglalaro lang yung mga bata"
"Nambubulabog sila hindi naglalaro" Sabi ko. "Tsaka bakit ba kayo nagkakasiyahan dyan? Hindi ba kayo nagluluksa nalulungkot na nawala nasi mama sa pamilyang toh" sigaw kopa at naramdaman kong may tumulong luha sa mukha ko.
"Alam ko kung anong nararamdaman mo" mahinahong Sabi ni tita kath. "Oo...nagluluksa din naman kami..pero hindi dapat habang buhay ganito nalang tayo, alam ko na hindi ito ang gusto ng mama mo...ang gusto nya maging masaya tayo kahit wala na sya" nakayuko ako at walang patid sa pag iyak. "Hindi yung ganitong habang buhay nalang tayong malulungkot" sigaw nya pa.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Novela JuvenilKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
