Kendra POV
Kakauwi ko lang ng bahay, umakyat ako agad sa kwarto ko at dumeretso sa banyo para maglinis ng katawan, nanlalagkit pa rin ako sa carbonarang natapon saakin kanina.
Habang naka pikit at dinadama ang pagbagsak ng malamig na tubig ng shower sa katawan ko, biglang pumasok sa isip ko si Charlie. Pumasok sa isip ko ang nakaraan namin.
_______________Flashback__________
Nandito kami ngayon sa isang park malapit sa subdivision namin. Niyaya nya kasi akong mamasyal, pumayag naman ako dahil minsan lang sya magyaya, pag magkasama kasi kami halos dito lang kami sa bahay.
"Ahm, kendra kailan mo ba ako balak sagutin, tatlong buwan na akong nanliligaw sayo"tanong nya ng makaupo kami sa isa sa mga bench dito sa park.
"Ano kasi, ang totoo kasi ny-"naputol ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.
"Hindi mopa alam ang sagot, kendra tatlong buwan na akong nanliligaw sayo halos araw araw na nga kitang puntahan sainyo para iparamdam sayo na mahal kita"sabi nya."kendra nam-"
"Oo, sinasagot na kita"putol ko sa sasabihin nya.
Natulala naman sya saakin na parang pinoproseso ang mga sanabi ko. Hinawakan nya ang mga kamay ko saka tumingin ng deretso saakin.
"Talaga, sinasagot mona ako?"tanong nya na may ngiti sa mga labi.
Tumango naman ako bilang sagot. Bigla naman nya akong niyakap na ikinagulat ko. Kumalas din sya agad saka tumingin ng deretso saakin. Nahihiya naman akong tumingin din sakanya.
"Akala ko hindi mona ako sasagutin"malungkot na tanong nya pero bigla din ngumiti.
'Luh, nababaliw na yata tong si Charlie'
"Ayaw mo muna kasi akong pakinggan bago ka magsalita ng kung ano ano eh"sabi ko.
Niyakap nya na lang ulit ako.
~~~~
Apat na buwan na kaming magkarelasyon ni charlie. Bukas ay monthsary na namin, limang buwan na kami.
(Pasensya na masyadong advance ang author nyo ehh(^_^)
Nandito ako ngayon sa canteen para mag lunch, kasama ko si Yara.
"Kamusta na kayo ng boyfie mo?"tanong nya saakin.
"Eto strong pa rin, excited na nga ako bukas dahil monthsary namin eh"masayang sagot ko kay Yara habang kumakain.
"Mag lilimang buwan na rin pala kayo, sana umabot kayo ng isang taon"sabi nya.
"Ano kaba naman Yara, mahal na mahal kaya namin ang isa't isa at pinangako namin na walang iwanan kahit anong mangyari"sabi ko.
Tumango lang sya at pinagpatuloy na ang pagkain namin. After ng lunch ay bumalik na rin kami sa room
~~~
September 19, 2016Ito na, ito na ang pinakahihintay ko. Maaga akong nagising para batiin si Charlie.
5:00 A.M
Luv (^,^)
Luv happy monthsary, kita tayo mamaya may ibibigay ako sayo. Love you (^,^)
Pagkatapos ko syang itext ay bumangon na ako para makapaghanda sa pagpasok sa school at makita na rin si Charlie.
-School-

BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Novela JuvenilKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...