Kendra's POV
"Ma.." sigaw ko kay mama nasa kitchen kasi ito. Lumabas ito at lumapit saakin. "Aalis napo ako, malalate nako 4 pm na" Sabi ko at hinalikan ito sa pisngi.
Hinatid ako ni mama sa labas kung saan naghihinatay si Franco, tinawagan ko kasi ito para samahan ako.
Franco: "Hi po tita"
Mama: "Hi"
"Sige ma alis na kami"
"Mag ingat kayo ha"
"Sige po"
Kumaway nalang kami saka pinaharurot na ang sasakyan.
"Ford company building tayo" Sabi ko habang nakatingin sa salamin dito sa kotse.
"Maliit na company lang yun ha" he said.
"Ayoko namang tanggihan, baka mapasama pako pag ganun, tsaka maganda na din toh, at least nga may kumuha saakin dito sa pilipinas"
"Syempre naman, kung sa america nga mga sikat na kumpanya pa kumukuha sayo dito pa kaya"
Matagal ang naging byahe namin dahil malayo pala ang Ford company.
Sa ilang oras naming byahe, sa wakas narating din namin.
Ipinarada ni Franco sa harap ang kotse nya tapos ay may lumapit saamin isang guard at kinuha ang susi. Sya na daw ang magpapark nito.
Pagbaba namin kaagad na may sumalubong saamin.
"Good afternoon Ms. kendra" kapagkuwan ay saad ng babaeng sumalubong saamin.
"Good afternoon" balik bati ko ng nakangiti.
"Dito po ang way" she said at inalalayan kami papunta kung saan ako magshoshoot.
Sumakay kami ng elevator at nagpindot ang babaeng kasama namin patungo sa 18 floor.
Habang naghihintay kami na makarating sa floor kung saan magshoshoot.
"Ang ganda nyo po pala sa personal" biglang sabi ng kasama naming babae.
"Ay thank you"
"I'm jenny po, Assistant sa ford company"
"Hi kendra, and this is Franco"
Franco: "Hi"
Jenny: "Hi po. Ahm boyfriend nyo po Ma'am"
"Ay hindi, kababata ko"
Jenny: "Sorry po"
"It's okay"
Bigla ng bumukas ang pinto ng elevator at narating na namin ang floor.
Jenny: "Dito po tayo"
Binuksan nito ang pinto. Pag pasok namin unang nakita ng mga mata ko si Ara na nakabihis at shinoshoot.
Hindi ko alam na model din pala ito.
"Hi are you kendra Zamora?" Tanong ng gay na blond ang buhok.
"Ahm yes"
"Welcome I'm Vincent the manager of this company"
"Hi"
"Come" pumasok na kami at hindi pa din maalis sa isip ko si Ara. "Oh nandito na si Ms. Zamora pakiayusan na para makapagsimula na sya" sigaw ni Vincent at pinapasok ako sa isa pang kwarto.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
أدب المراهقينKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
