Xian POV
Nagtatawanan kami ng biglang may mahagip ang mga mata ko.
"Tara na nga pumasok na tayo puro kayo kagaguhan dyan"pagyaya ni kerby.
"Ahm, mauna na pala kayo, may pupuntahan lang ako"sabi ko.
Tumango lang sila, saka nagsimula ng maglakad pabalik ng room.
Naglakad ako papunta sa locker ng girls.
Nakita ko kasi na humiwalay si kendra kay Yara saka ito dumiretso sa locker ng girls.
Nagtatago ako sa gilid ng mga locker at pinagmamasdan sya.
Nakita kong sinara nya yung locker nya saka tumingin sa kanan at kaliwa, bigla akong nagtago.
Sumilip ulit ako at nakita na naglakad sya papunta sa Comfort room ng mga girls.
Pagakakataon ko nato, lagot ka sakin ngayon.
Dahan dahan akong sumunod sakanya.
Pumasok sya isa sa mga cubicle. Pagkasara ng pinto. Tumingin muna ako sa paligid kung may tao ba, ng mapagtanto na wala dahan dahan kong hinatak ang pinto ng CR.
Nang marinig kong bubuksan nya yung pintuan ng cubicle. Dali dali kong sinara yung pinto ng CR saka ito nagmamadaling nilock.
Hoy baka kung ano yung iniisip nyo, kinulong ko lang naman si kendra sa CR. Wahahahaha
Tignan lang natin ngayon kung makalabas kapa dyan.
Nakita ko pang pinipihit nya yung door knob. Saka malakas na sumigaw.
"Tulong, tulong, may tao ba dyan?"tanong nyang sigaw.
Wahahahaha
Dali dali na akong umalis, habang naririnig ko pa rin ang paghingi nya ng tulong.
"Tulongggggg"sigaw nya.
Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway, wala ng ganong estudyanteng dumadaan sa parteng yun kasi simula na ng klase kaya malamang hanggang mamaya nandoon pa rin sya.
Habang naglalakad ako sa hallway bigla kong nakasalubong yung lalaking tumulong kay kendra nung unang nagkabanggaan kami.
"Hey"pagtawag ko sakanya.
Huminto sya saka tumingin saakin. Tinuro nya ang sarili nya saka tumingin sa paligid.
Tanga ba to, malamang sya yung tinawag ko wala naman ng estudyanteng iba kung hindi kaming dalawa lang. Haysss
"Bakit?"tanong nya.
"Ah wala lang"sagot ko,saka ngumiti.
Umiling iling sya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi nya naman siguro iisiping pumunta ng comfort room ng mga girls.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang makarating sa room.
Nang makapasok ako sa room dumiretso ako sa upuan ko saka ako sinalubong ni Kian.
"Oh, san ka galing?"tanong nya.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
