Kendra's POV*After 2 weeks*
Panibagong araw nanaman. At araw araw nalang bago. Lumipas nanaman ang dalwang linggo at sa dalawang linggo na yun, tatlong beses lang kaming nagkita ni Xian. I understand naman, yung sitwasyon namin.
Alam kong busy ito sa pag pagtatrain sa mga bago nilang makakasama sa team nila. Naging busy din ako. Kaya hindi na kami nagkakaroon ng time sa isa't isa. Pinupuntahan ko naman ito kung saan sila nagtatrain pero lagi ko nalang hindi nadadatnan.
Ang sinasabi saakin ng mga kaibigan nya, lagi daw syang tinatawagan ng daddy nya. Wala naman syang nababanggit saakin na pinapatawag sya. Tatawagan ko naman ito pero cannot be reached. Hindi naman dating ganun yun.
Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta ng locker room. Tapos na ang klase ko and meeting room naman ang gagawin ko. Inilagay ko ang iba kong gamit doon at habang inaayos ko ito, hindi ko sinasadyang makarinig ng usapan.
"Si Ara at Xian talaga yung nakita ko, kitang kita ng dalawang mata ko kung pano sila maggantihan ng halik" bigla akong nanghina nang marinig ko yun.
"Baka naman hindi sila yun"
Yan din ang gusto kong paniwalaan.
"Ano kaba malinaw na malinaw saakin yung mga mukha nila, may ilaw pa nung mga oras na yun doon"
Bakit nila gagawin yun?
"May relasyon ba sila?"
"Hindi ko alam"
"Hindi naman nabalita sa buong campus na hiwalay na si kendra at Xian"
"Kung hindi, anong mayroon si Ara at Xian?"
"Malalaman nyo din yan, sa ngayon isara nyo yang mga bibig nyo, ang babaho kasi" kapagkuwan ay Sabi ni Ara. Hindi ko man sila nakikita alam kong siya ito. "Umalis na nga kayo, puro kayo tsismisan dyan" narinig ko ang mga yabag ng dalawang babae kanina. "Hey ikaw, siguraduhin mong wala kang narinig" Ako ba yun? Sakin nya ba sinabi yun? Humugot ako ng buntong hininga saka malakas na isinara ang locker ko.
Dahan dahan akong tumingin sakanila at gulat sila ng makita ako.
"K-kendra" Utal na sambit ni Ara.
"Ako nga" matapang kong Sabi. "Nagulat kaba? Ngayon sabihin mo saakin lahat ng narinig ko" Saad ko. Umayos sya ng tayo saka tumingin saakin. Humalukipkip ito.
"At sino ka para utusan akong ha?" Tanong nya na tinaasan pa ako ng kilay.
"Sabihin mo sakin kung anong mayroon kayo ni Xian" malumanay kung sabi. "Sabihin mo sakin kung anong mayroon kayo ni Xian" sigaw ko ng hindi ito magsalita. Natigilan sila pati na mga estudyante dito.
"Wala akong sasabihin sayo" she said. "And for your information" lumapit ito saakin. "Hindi mo ako katulong o kahit ano pa na pwede mo nalang utos utusan" inilapit nya sakin ang mukha nya tsaka tinitigan ako ng mabuti. "Tandaan mo na mas mukha kang katulong kaysa saaki--"
*Pak*
Nakanganga at hawak hawak ang pisnging tumingin ito saakin. "How dare you" galit nitong sabi. Napapikit ako ng makitang sasampalin niya ako. Naghintay ako na dumapo ang kamay nya sa mukha ko pero ilang segundo pa wala akong natanggap kaya dahan dahan akong nagmulat ng mata.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...