Chapter 34

492 11 0
                                    

Kendra POV's

Nagising ako sa lakas ng ingay ng alarm clock ko. Kinusot kusot ko muna yung mga mata ko bago pumasok sa banyo.

Pagkatapos gumayak kaagad akong bumaba sa kusina at nadatnan ko ang napakaganda kong nanay na walang sawang gumigising ng maaga para ipaghanda kami ng almusal. Lumapit ako at hinalikan sa pisngi.

"Goodmorning to my beautiful mother in the world" masigla kong bati.

"Abat anong nakain mo ngayon anak?" Tanong niya.

"Wala naman maganda lang ang gising ko" Umupo na ako at sumandok na ng pagkain.

"Goodmorning tita" saad nila mich.

"Goodmorning" mama said.

Umupo na din sila at bago sumandok ng pagkain si mich lumapit ito saakin at bumulong. "Goodmorning kuya Xian" mahina niyang bulong saka sumandok na ng pagkain. Masama ko siyang tinignan pero nakangiti lang itong kumain.

Pagkatapos naming kumain, naghihintay na sa labas si Xian kaya kaagad na kaming nagpaalam kay mama. "Una napo kami tita" paalam ni Xian.

"Sige mag ingat kayo"

Nginitian ko si mama then pinaharurot na ni Xian ang sasakyan. "Sumali ka pala sa student council?" Tanong ni Xian habang nagmamaneho.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Tumawag kagabi sakin si kian, sinabi niya, nagpang abot pa daw kayo ni Ara"

"Wala yun di naman kami nagkasakitan"

"Hindi nga, binalaan kuna yung babaeng yun, humanda sakin yun pag nagkita ka----"

"Xian" tigil ko sa sasabihin niya.

"What?" He said na sumulyap pa sakin.

"Wag mo ng patulan yun ok? Kung papatulan mo pa yun baka lalo lang akong guluhin nun"

"Basta sa susunod na guluhin ka niya, sabihin mo lang sakin"

"Oo napo"

"Pero hindi mo sinabi saakin kahapon yung tungkol sa student council"

"Eh nawala na sa isip ko tsaka pinilit lang ako ni Yara, malaking opportunity din yun pag sumali ako, malay mo makatsamba" saad ko.

"Hindi kalang makakatsamba, sigurado akong ikaw ang mananalo"

"Pano mo naman na sigurado?"

"I have a advice mind"

"Advice mind siraulo ka talaga" natatawa kong saad. Natawa din siya sa sarili niyang kalokohan.

Katahimikan ang bumalot saamin at habang nagmamaneho siya bigla nalang dumungaw si mich saamin kaya gulat akong napasigaw.

"Ang hilig mo talagang manggulat hano" saad ko na pinagtawan ni Xian kaya pinalo ko sa braso.

"Bawas bawasan ang pag iinom ng kape" tumatawang sambit ni Xian. Inirapan ko lang.

"Before I forget, can I ask a question for you kuya Xian?" Tanong pa ni mich.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon