Chapter 40

547 13 0
                                    


Kendra's POV

*Kinabukasan*

"Goodmorning kendra"

"Goodmorning"

"Magandang umaga"

Marami pa rin ang bumabati saakin tulad ng dati. Tumatango lang ako. Pinilit kong pumasok ngayong umaga kahit pa tinatanong saakin ni mama kung kaya ko bang pumasok. Kaya kong pumasok.

Pagdating ko sa room konti palang ang mga kaklase kong naroon. Nakita ko din si Yara na nakaupo sa dulo. Habang naglalakad ako patungo sa upuan ko lahat sila nasaakin ang mga mata hanggang sa makaupo ako.

"Wag mo silang pansinin" saad ni Yara ng makaupo ako. "Ayos kana ba?"

Humarap ako sakanya saka ngumiti ng pilit. "Ok lang ako"

"Sinasabi kona nga ba may balak yang Ara na yan. Humanda talaga sakin yan pag nagkita kami" nanggigigil na saad niya.

"Hayaan mo nalang" maikli kong saad.

"Alam mo ang tibay mo" saad pa niya. Tumingin ako sakanya ng nakakunot ang noo.

"Anong matibay sinasabi mo?"

"Kasi tignan mo naman parang walang nangyari kahapon. Parang hindi mo dinamdam yung sakit" Saad niya.

"Parang nasanay nako sa mga ganyang kaso. Parang wala nalang sakin yung sakit. Kasi ilang beses nakong nasaktan, paulit ulit nalang yung nangyayari. Sa totoo lang pagod nako eh. Pero tinitiis ko nalang. Iniisip ko nalang na pagsubok tong nararanasan ko" saad ko ng nakatingin sa labas.

"Bilib din ako sayo. Nakakaya mo yung ganyan. Tignan mo nakapasok kapa ngayon. Napaka tibay mo kendra, dimo deserve masaktan" ngumiti lang ako. Dumating na ang prof namin at tulad ng dati naglesson lang ito at kami naman ay nag take down notes.

*Blag*

Bigla nalang pabagsak na bumukas ang pinto saka pumasok si Xian na parang wala sa sarili. Derederetso itong naglakad patungo sa upuan niya. Lumingon pa ito saakin pero nag iwas ako ng tingin.

"Mr. Sarmiento did you know that my class--"

"Ma'am" nagtaas ng kamay si margo.

"Yes Mr. Morales?"

"Sorry ma'am kinausap po kasi ng dean si Xian kaya po late" paliwanag nito. Kinausap ng dean? Bakit naman?

"Ah okay class let's go back to our topic"

Nagsimula na ulit magturo si ma'am, pero ang isip ko ay wala sa tinuturo niya. Hanggang sa lumipas pa ang ilang oras.

"Goodbye sir see you tomorrow" saad ng mga kaklase ko.

"Kanina kopa napapansin na wala yang pag iisip mo sa tinuturo ng mga prof natin" Saad ni Yara habang nag aayos ng mga gamit niya.

"Naintindihan ko naman yung mga tinuro---"

"Kendra" nag angat ako ng tingin at nasa harapan ko ngayon si Xian. Hindi ko siya pinansin, tumayo na ako para lumabas. "Kendra please mag usap naman tayo oh" habol niya saka ako hinawakan sa braso. Humarap ako sakanya.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon