Kendra POV
Nang matapos na akong magpalit ng damit palabas na sana ako ng cubicle ng may marinig akong mga boses.
"Nakita mo ba yung away ni Xian saka yung transferee, kanina sa canteen?"tanong ng hindi ko kilalang babae.
"Oo, grabe nga eh sinagot pa naman nung transferee si Xian"sagot naman nung isa.
"Tsaka sino ba yung lalaking yun, bakit nya naman tutulungan yung babae na bumunggo kay Xian?"tanong ulit ng isang babae.
"Baka boyfriend ni girl"
"Sayang si boy, ang gwapo pa naman nya tapos ganung klaseng babae lang ang type nya."maarteng sagot nya na kung makikita mo ang mukha ay parang nandidiri saakin.
"Oo nga"
"Hay naku, tara na nga"pagyaya nyang umalis.
Narinig ko yung mga yabag nila na papaalis, lumabas na ako ng cubicle saka tumingin sa salamin.
'Akala mo kung sinong mga perpekto mga Chismosa naman' sa isip isip ko.
Huminga muna ako ng malalim tsaka inayos ang sarili para makabalik na sa classroom.
Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong ko ang grupo nila Ara.
Ang grupo nila ay tinatawag na Gorgeous Girl, bagay naman sakanila ang pangalan ng grupo nila dahil magaganda silang lahat, si Ara Mei San Pedro ang leader ng grupo, mayaman, spoil brat, pero bitches. Lahat ng gusto nyang bilhin ay kaya nyang bilhin, palibhasa nag iisang anak.
Pero meron syang isang tao na hindi nya makuha kuha, yun ay si Xian, mula elementary ay may gusto na ito sa lalaki, pero kahit anong gawin nyang pagpapansin ay hindi sya nito pinapansin.
Sinulyapan ko pa sya ng isang beses bago nagpatuloy sa paglalakad.
Pagdating ko sa classroom wala pa ang teacher namin sa history. Dumiretso lang ako sa upuan ko saka kinuha ang cellphone ko sa bulsa dahil nag vibrate ito.
12:50 P.M
Mommy:
Anak, baka hindi ako makauwi ngayon marami pa kasing pinapatapos saakin ang boss ko. Lock mo yung pinto pag matutulog ka ha. Ingat ka.
Love you anak *(:
12:52 P.M
Me:
Opo ma, love you too, ingat din po kayo. *(:
Pagkatapos kong itext si mama binulsa kona ang cellphone ko dahil dumating na si Mr. Rodriguez, teacher namin sa history.
"Good afternoon class"sabi nya ng makapasok.
"Good afternoon sir"sagot ng mga kaklase ko.
"Ok, balikan natin yung lesson nyo kahapon"sabi nya."Ano ba ang world war II?" Tanong nya saamin."Ms. Zamora"tawag saakin ni sir rodriguez agad akong tumayo at tumingin sakanya saka nagsimulang magsalita.
"World war ll, also called the second world war, and in the Soviet Union, the Great Patriotic War, was a global war involving fighting with many parts of the world and many countries. Most countries fought in the year 1939-1945 but some started fighting in 1937. Most of the world's countries, including all the great powers fought as part of two millitary alliances: the allies and the axis powers. World war ll was the deadliest conflict in all of human history. It involve more countries, cost more money, and killed more people than any other war in human history. Between 50 to 85 million people died. The majority were civillians. It included massacres, the deliberate genocide of the Holocaust, strategic, bombing, starvation, disease and the only use of nuclear weapon againts in civillian history." Mahabang paliwanag ko.
"Very good Ms. Zamora"papuri nya saakin.
Ng makaupo ay siniko ako ni Yara.
"Bakit magkasama kayo kanina nyang ex-boyfriend mo ha?"tanong nya saakin na nginuso pa si charlie.
"Akala ko naman pupurihin mo ako."sabi ko.
"Tsk..alam ko namang matalino ka kaya hindi na nakapagtataka na masagot mo yung tanong ni Sir Rodriguez. So ano na bakit magkasama kayong dalawa, tsaka bakit ba na-detention kayo nila kuya Xian."tanong nya ulit.
Tumingin ako sakanya saka sya inirapan."pwede ba Yara mamaya nalang baka makita tayo ni sir rodriguez na nagdadaldalan dito"sabi ko.
"Ok sge"sabi nya saka tumingin na sa harapan at nakinig.
'Discuss'
'Discuss'
'Discuss'
Hapon na kaya malamang uwian na, tumayo na kami ni Yara para lumabas ng room at makauwi na.
Hayyysss sa wakas makakauwi na rin ako.
"Ano na kendra?"tanong ni Yara habang naglalakad kami.
Tumingin ako sakanya, saka tinaasan sya ng kilay.
"Anong ano na?"balik kong tanong sakanya. Inirapan nya ako.
"Yung tungkol sa ex mo, at kung bakit kayo na detention ni kuya xian."tanong nya na parang naiinis na.
"Ahh yun ba"
"Oo yun nga"sagot nya na inis na inis na.
HAHAHAHAHAHA
Nakakatuwa talaga to pag naiinis.( ^o^)
"Hahahaha ok eto na wag kana ngang mainis dyan"
"Paanong hindi ako maiinis eh kanina ko pa sinasabi sayo yan"
"Ok, ok..ganito kasi yun, akala ko ikaw yung umupo kanina sa may canteen, tapos tinanong kita kung kinuhanan moba ako ng tubig tapos may inabot ka sakin, and then sabi ko 'thank you' pero hindi ka nag 'welcome' kaya nung iangat ko yung ulo ko nagulat ako kasi si Charlie pala yung kausap ko kanina, tapos tinanong nya ako kung kamusta na ako pero hindi ko sya sinagot dahil hinahanap kita"sabi ko habang patuloy parin sa paglalakad"teka san kaba nagpunta kanina bakit bigla kang nawala?"tanong ko sakanya.
"Ah tumawag kasi si dad kanina sinabi nya saakin na darating daw sila lola mamaya sa bahay"
"Ahh ganun ba"
"Oo ganun nga, kaya ituloy muna yung kwento mo"
"Yun nga, eto namang si ako kinabahan kay-"naputol ang sasabihin ko ng takpan nya yung bibig ko. Tinignan ko sya ng nagtataka.
"Bakit kanaman kakabahan eh kinakamusta kalang nya?"tanong nya.
Pinalo ko yung kamay nya na nasa bibig ko.
"Hindi ko alam, pero pag kinakausap nya kasi ako bigla nalang akong kinakabahan."sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Sinundan nya ako sabay akbay saakin."baka naman mahal mo pa yang ex mo?"tanong nya sa mahinang boses.
Inalis ko yung pagkakaakbay nya saka sya hinarap." Ano bang sinasabi mo dyan, diba sinabi ko na sayo kanina na matagal na akong naka move on sakanya"naiinis kong sagot.
"Oh! nagtatanong lang naman ako ehh"
"Tsk..sige na mauna na ako sayo"sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Teka lang kendra, hindi mo pa natatapos yung kwento mo"narinig kong sigaw nya saakin.
Hindi ko sya pinansin, sa halip ay tinaas ko lang yung kamay ko sabay wagayway.
-----------------------------------------------------------------
Feel free to comment and vote!
Don't forget to follow me (^_^)
Thank's a looott (^♡^)
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Fiksi RemajaKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
