Chapter 14

707 19 1
                                    

Kendra POV

"A-ano ba y-yun?"tanong ko ulit.

Pinagsalikop nya ang kamay namin. Taka akong tumingin doon.

"Kendra, pwede ba akong manligaw?"deretsong tanong nya.

Gulat akong nag angat ng tingin sakanya.

"S-saakin"turo ko sa sarili ko.

"Kung papayagan mo akong manligaw sayo, ipinapangako ko na hinding hindi na kita lolokohin"seyosong sabi nya.

"P-pero Charlie, a-ano kasi ahm-"

"Huy, nandyan lang pala kayong dalawa"Si Yara.

Tinanggal ko ang mga kamay naming magkasalikop. Tsaka nagmamadaling tumayo.

"A-ahh k-kanina kapa dyan?"tanong ko ng makatayo.

"Hindi naman, ano bang ginagawa nyo dyan?"

"Ah wala naman nagbabasa lang"sagot ko tapos tumingin kay Charlie na naka upo parin sa sahig.

"Ganun ba, eh tapos naba kayong magbasa kasi malalate na tayo sa klase"she said.

Nakita kong tumayo si Charlie sa kinauupuan nya.

"Tapos na kami"he said pagkatayo.
Saka naunang maglakad.

Tinabihan ako ni Yara habang pababa kami ng hagdan.

"Anong ginagawa nyo ha? Akala moba hindi ko nakita yung magkahawak nyong kamay, diba ang sabi ko sayo wag kang magpapagoyo dun"

"Hindi naman ako nagpapagoyo"

"Hindi daw"

Hindi ko sya pinansin, tapos nauna akong maglakad palabas ng library.

Naglalakad kaming tatlo ngayon dito sa hallway.

Nang mapadaan kami sa tambayan nila Xian.

Nakita ko siya na may kasamang dalawang babae, tuwang tuwa pa nga ito.

Tch..babaero talaga

Wala namang pakialam sakanila ang mga kaibigan nya na may mga sariling mundo.

Biglang napatingin sa gawi namin si Xian, nag iwas ako ng tingin.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko. Hindi na ako sumulyap sakanila.

Pagdating namin sa room, dumiretso lang kami sa mga upuan namin.

"Oo nga pala kendra, ini-invite ka nga pala ni mom sa welcome back party ni lola "Yara said.

"Ha! Eh wala akong susuotin?"

"Sus yun lang ba, ako na bahala sa susuotin mo"

"Nakakahiya naman"

"Sakin ka pa nahiya, eh halos magkapatid na nga tayo, tsaka bahala ka magtatampo sayo si mom pag hindi ka pumunta"she said saka tumalikod saakin.

"Oo na, oo na"

Nakangiti syang humarap saakin.

Hayss, kung hindi lang dahil kay tita Yazee hindi ako pupunta, nakakahiya kasi na hindi pumunta sya pa naman yung nag invite saakin.

Oo nga pala, si tita Yazee Sarmiento, mommy ni Yara, naging close kami dahil madalas akong pumunta noon kila Yara, pero ngayon hindi na ako nakakapunta wala na kasing time eh..hehehehe

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon