Kendra POV's
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumama ako dito sa hospital. Pinapahatid na ako ni Mrs. Sarmiento dahil baka daw mag alala pa si mama. Pero tumanggi ako at sumama dito sakanila.
"Iha, sigurado kabang hindi mag aalala ang magulang mo?"tanong ni tita cindy saka tumabi ng upo saakin.
"Tumawag napo ako sa bahay, tsaka uuwi din po ako pamaya maya, gusto ko lang pong malaman kung anong lagay ni Xian"
"Magiging maayos din si Xian"
"Kasalanan ko po lahat kung bakit nangyari toh kay Xian"malungkot na saad ko.
Hinagod niya ako sa likuran "Wala kang kasalanan anak, dahil kung ano pa yung hindi natin inaasahan yun pa yung kusang dumarating"tapos ay niyakap ako.
Bigla ay lumabas na din sa kwarto yung doctor na gumamot kay Xian kaya napatayo kami ni Mrs. Sarmiento.
"Kamusta po ang anak ko doc?"mahinahong tanong ni Mrs. Sarmiento.
"Ayos napo ang anak ninyo, nagkaroon lang po siya ng fracture sa may bandang hita dahil siguro sa maling pagbagsak nito sa lupa, pero wag napo kayong mag alala ayos napo ang pasyente, pwede niyo napo siyang puntahan" -doctor said.
"Maraming salamat doc"
Ngumiti ito tapos ay pumasok na kami. Pag pasok namin bumungad kaagad samin si Xian na nakahiga at mahimbing na natutulog.
"Naku sigurado akong magagalit itong batang toh dahil yung mukha pa nito ang binasag"saad ni Mrs. Sarmiento.
Puro tinapalan kasi ng band aid yung mukha nito kaya panigurado maraming nakuhang sugat toh.
"Iniingatan pa nito yung mukha niya HAHAHA"Napngiti ako ng tumawa si Mrs. Sarmiento, hindi siya nag aalala kahit mayroong nangyari sa anak niya. Napaka bait na magulang ni Mrs. Sarmiento, kabaliktaran ng anak niya.
"Napaka swerte po sainyo ng anak nyo"sambit ko habang nakatingin kay Xian.
"Napa swerte ko din sa anak ko"doon ako napalingon sakanya. Nakita kong may bahid ng luha na tumulo sa gilid ng mata niya."Kung hindi dahil sakanya, siguro wala na ako sa piling nilang mag ama"she said tapos ay tumalikod at mukhang pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya.
Lumapit ako sakanya tapos ay niyakap siya."Pasensya na anak"she said.
"Ayos lang po"
"Sa tuwing naalala ko kasi yung nangyari noon hindi ko mapigilan yung sarili ko"
"Ayos lang po, kung hindi niyo pa nakakalimutan ang nakaraan ilabas niyo lang kung ano yung nararamdaman nyo, dahil isang araw mawawala na rin yung sakit na tinatago niyo"I said while hugging her.
![](https://img.wattpad.com/cover/200424381-288-k516051.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...