Xian's POV
Ang sakit ng ulo ko. Nagising ako sa ingay na nagmumula sa alarm clock ko. Tumayo ako saka kinusot ang mga mata at inis na pinatay ang alarm. Nahilo ng sinubukan kong tumayo.
"Gising kana pala, dinalhan kita ng gamot para mawala yang hilo mo..kumain ka muna bago mo inumin..iwan kona rine" Saad ni nay Cynthia.
"Salamat po" Sabi ko ng nakayuko dahil sobrang sakit ng ulo ko. Lumabas na ito. Pumasok muna ako ng banyo para maligo.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan. Biglang nag ring ang phone ko.
*Kian calling*
Me: "Hello?"
Kian: "Bro, kamusta?"
Nagbihis muna ako.
Me: "Medyo hilo pa bro"
Kian: "HAHAHA parang si kerby at margo ako lang tuloy nakapasok ngayon"
Me: "Ano ba nangyari kagabi bro?"
Kian: "Kung ano ano pinagsasabi mo"
Umupo na ako sa maliit na lamesa dito sa kwarto ko para kumain.
Me: "Hindi ko na alam yun sa sobrang kalasingan" sumubo ako ng pagkain.
Kian: "Nagsisigaw ka sa daan, sinisigaw mo na hindi mo na mahal si kendra" natulala ako at nabitawan ang mga hawak ko.
Nasabi ko yun?
Kian: "Hello Xian nandyan kapa ba? Xia--"
Me: "Yes yes nandito pako"
Kian: "Mamaya nalang uli..mag aaral muna kong mabuti dito HAHAHA"
I ended the call.
Nasabi ko talaga yun?
Bakit parang hindi ka makapaniwala?
Yun naman ang gusto mo Xian diba?
Ang kalimutan si kendra
Umiling iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos nito nilinis ko ang pinagkainan ko saka ito ibinaba. Nadatnan ko si mommy sa kusina.
"Hi mom goodmorning" sabi ko sabay halik sa pisngi nya.
"Goodmorning" she said.
"Bakit kayo gumagawa nyan?" Tanong ko. Siya kasi ang naghuhugas ng mga pinagkainan.
"Ayos lang toh, wala naman akong ginagawa dito"
"Nasan sila manang?"
"Anak ayos lang nga, hindi naman mahirap na trabaho toh"
"Basta mom last na yan, wag ka ng gumawa ng gawaing bahay, baka mapagod ka"
"Hindi naman nakakapagod toh nak"
"Magpahinga nalang kayo pagkatapos nyan" tumango lang ito saka ngumiti. "Sige mom akyat lang ako sa taas" tsaka hinalikan sya sa noo.
Palabas nako ng kusina ng magsalita ulit si mommy...
"Tungkol nga pala kay kendra nak" she said. Nahinto ako at di nakagalaw sa kinatatayuan. "Hiwalay naba kayo nak?" Tanong pa ni mommy. Humarap ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
