Kendra POV's
Nag angat kami ng tingin tapos ay gulat akong makita si Xian sa harap namin.
"Anong ginagawa mo dito?"kunot noong tanong ko.
"Restaurant toh, malamang kakain"nakuha pang mamilosopo.
Napakapeste talaga nito!
"Waiter"tawag niya isa sa mga waiter.
Kaagad namang lumapit yung waiter na nag asikaso samin kanina.
"Yes sir?"tanong ng waiter.
"Pwedeng pakidagdagan ng isang upuan dito"sambit ni Xian saka tumingin saakin.
"Ahm ok sir"saka kaagad na kumuha ng upuan sa kabilang lamesa tapos ay ipinwesto sa tapat ng lamesa namin.
"Thank you"sambit ni Xian saka naupo na."So, bakit kayong dalawa lang ang nagcecelebrate?"kapagkuwan ay tanong niya.
Tumingin ako sakanya saka pinandilatan ng mata.
"Masama bang magtanong?"tanong niya ulit saka nagtaas pa ng kamay.
"Hindi naman"naiiritang saad ko. Saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Tch..sungit naman netong babaeng toh"bulong niya pero rinig ko.
"May sinasabi ka?"tanong ko.
"Wala"
Sus..nagkunwari pang walang sinabi pero ang totoo pinarinig talaga sakin.
Eto namang si ako nagtanong pa eh narinig ko naman.
Ayy ewan koba.
"Bro, birthday mo pala hindi mo sinasabi, happy birthday"pagbati ni Xian na tinapik pa sa balikat si Charlie.
"Salama--"
"Bakit niya naman sasabihin sayo? Close ba kayo?"saka ko tinitigan sa mata si xian na ikinailang niya.
"Hindi"nahihiyang tugon ni Xian."Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"Hindi naman pala kayo close tapos kung makasabi ka"natatawang tugon ko.
Nahiyang nagbaba siya ng tingin saka kumamot sa ulo.
Nakakatuwang makita siyang ganito.
Bigla namang tumayo si Charlie kaya napatingin ako sakanya.
"Excuse lang"tugon niya saka lumabas ng restaurant.
"Anyare dun?"tanong ko.
"Malay ko"napasulyap ako sakanya dahil kanina ko pa napapansin na nakatitig lang siya saakin.
"Anong tinitingin tingin mo dyan?"tanong ko ulit.
"Ang ganda kasi ng view"tugon niya. Naguguluhan akong tumingin sa likuran ko pero pader lang ang nakita ko.
"Anong maganda dyan eh pader lang yan"saad ko pa.
"Hindi naman yung pader yung tinitignan ko, kung di ikaw"derederetsong tugon niya na nakapagpapigil saakin.
Hindi ko alam kung anong nangyayari.
Pero ito lang masasabi ko.
Ang gwapo niya pala sa malapitan.
Maya maya pa, unti unti na siyang lumalapit saakin.
Wala naman akong magawa dahil parang merong pumipigil na wag akong lumayo.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Novela JuvenilKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
