Kendra POV
"Kuya dito na lang po"sabi ko kay kuyang tricycle driver."Ito po yung bayad"abot ko sa 50 pesos.
Sinuklian pa ako ni kuya ng 20 pesos kasi 30 pesos lang ang pamasahe. Mura diba, malapit lang kasi.
"Thank you po"sabi ko.
"How cheap"sabi ni Ara ng makababa ako, kasama ang mga kaibigan nya."Ang poor mo naman, wala ba kayong car?"tanong nya na may halong pang aasar."Oh kaya dapat nag taxi ka man lang, kasi masyadong cheap ang sinasakyan mo, atleast pag naka taxi ka hindi masyadong poor, diba girls?"tanong nya sa mga kibigan nya.
"Yaaa"sagot ng kaibigan nya saka sila tumawa.
"Baka naman wala syang pambayad ng taxi"tanong ng isa sa mga kaibigan nya
"Sabagay baka wala nga syang pambayad sa taxi kasi taga squatter lang sya" she said "tsaka girls alam nyo bang kaya lang sya nakapag aral dito ay dahil sa scholar"dagdag nya.
"Really"maarteng sagot ng kaibigan nya.
"Yes, kung hindi dahil sa scholar ng school nato hindi nag aaral ang babaeng to dito, kasi ang mga squatter na katulad nya ay hindi bagay sa mga ganitong private na school, dapat sakanila ay sa public"may arteng sabi nya.
"Ang poor nga"sagot ng mga kaibigan nya.
"Ara ayoko ng gulo"sabi ko sa mahinahong boses.
"Hindi naman ako naghahanap ng gulo, sinasabi ko lang ang totoo"she said. Tinitigan ko sya sa mga mata. Saka taas noo syang sinagot.
"Atleast ako nakapag aral dito dahil may ganito ako"turo ko sa utak ko."Eh kayo nakapag aral lang naman kayo dito dahil may mga pera kayo, pero wala kayong ganito"turo ko ulit sa utak. Bigla namang nawala ang ngiti nya.
"How dare you"sigaw nya.sasampalin nya ako kaya pinikot ko ang mga mata ko.
Pero nakailang segundo na, wala paring dumadapong kamay sa mukha ko, dahan dahan akong nagmulat.
Nakita kong hawak hawak ni Charlie ang kamay ni Ara.
"Bitawan mo nga ako, nasasaktan ako"Ara said.
Bigla namang ibinagsak ni Charlie ang kamay ni Ara.
"Sa susunod na makita kong sasaktan mo si kendra, hindi lang yan ang mararanasan mo"Seryosong sabi ni Charlie.
Nanlilisik ang matang tumingin saakin si Ara bago sila umalis.
"Ayos ka lang ba?"tanong ni Charlie ng makaalis sila.Tumingin ako sakanya.
"A-ah , a-ayus lang ako, s-salamat nga pala"utal na sagot ko. Ngumiti lang sya.
"Halika na pumasok na tayo, baka malate tayo nito"he said.
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad papasok.
Habang naglalakad kami sa hallway ang daming nakatingin saaming mga estudyante.
"Wag mo silang pansinin"he said.
"H-ha?"sabi ko pagkatapos tumingin sakanya. Tumingin sya saakin saka ngumiti.
Shet bakit ang gwapo nya pag ngumingiti.
"Kamusta kana pala, buti pumasok ka ngayon?"he ask. Bigla akong nag iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
