Chapter 27

648 20 1
                                    

Kendra POV's

"Ayos ka lang ba kendra?"tanong ni Yara ng makaupo kami.

"Oo naman ayos lang ako"saka ako ngumiti sakanya.

"Napakamaldita talaga nung babaeng yun"nanggigigil pa na saad niya."Kung ako yung ginagawan niya ng ganun, lalabanan ko yung bruhang yun"

"Eh kaso hindi ikaw"pangaasar ko.

Inirapan niya ako saka umayos na ng upo dahil nandyan na yung propesor namin sa history.

"Ok class meron kayong gagawing project"agad na saad nya ng makapasok.

'Sir'

'Ano ba naman yan sir'

"Gagawin nyo toh o hindi kayo makakapasa ng 4th year?"sigaw ni sir na agad nakapagpatahimik sa mga kaklase ko."Madali naman pala kayong makinig eh, ok so nasakin na yung list ng magpartner"

Sana naman kahit si Yara nalang yung partner ko.

"Cassie and kerby! Kyla and margo........"

Bakit parang babae at lalaki.

Oww sana naman matino yung maging partner ko.

"Yara and kian"

Napasulyap ako kay Yara nung bigla syang mapangiti.

"Kung makangiti ka dyan parang nanalo kana sa puso niya ah"bulong ko.

"Ano kaba naman kendra, chance kona toh para mapalapit kay kian oh"she said ng may ngiti.

"Sus tandaan mo may ibang gusto yan"

Biglang nawala yung ngiti sa mga labi nya.

"Why? Totoo naman ako diba! Alam ko at alam mo na may ibang gusto si kian kaya wag ka ng umasa pa"parang mali ata yung mga nasabi ko.

Kasi nakatingin lang saakin si Yara at parang nasaktan ko siya sa mga nasabi ko.

"Ahm sorry hehe, mali ata yung mga nasabi ko"saad ko na kakamot kamot pa sa ulo.

"Ok lang! Tama ka naman eh"she said na pilit pang ngumiti tapos ay tumingin na ulit kay sir.

Parang naguilty naman ako sa sinabi ko.

Napayuko ako sa desk ko dahil hindi kona alam kung anong nangyayari saakin.

Bakit ba kung ano ano nasasabi ko.

Hindi naman ako ganto dati ah.

"And last Xian and Kendra"agad akong nag angat ng tingin ng marinig ko yung sinabi ni Sir.

"W-what?" Gulat na tanong ko.

"Hindi moba narinig Ms. Zamora yung sinabi ko"He said.

Napatingin ako kay Xian na nakatingin din pala saakin.

Saka nakangiting nagkibit balikat pa.

"Ahm narinig ko po sir, pasensya na"tapos ay nagbaba ako ng tingin.

"Ok! So for today wala naman tayong masyadong gagawin, ieexplain ko lang naman sainyo kung paano nyo gagawin yung project."saad ni sir.

Nagsimula na siyang mag-explain, eto namang si ako hindi malaman kung ano ba nangyayari sakin ngayong araw nato.

Nang matapos ng mag-explain si sir. Nagpaalam lang siya saka na lumabas ng room.

Wala naman akong naintindihan kung hindi  yung yun lang class goodbye. That's it. Yan lang ang narinig ko sa lahat ng sinabi ni sir.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon