Kendra's POV
After 4 years nakauwi na din ako ng pilipinas.
"Sa wakas nakauwi na din ako" nasambit ko bago kami tuluyang pumasok. Pagtapat ko ng pinto ng bahay. Huminga ako ng malalim saka pinihit pabukad ang pinto.
Dahan dahan ko itong binuksan at nagulat ako ng biglang...
"WELCOME BACK ATE KENDRA" sabay sabay nilang sabi na ikinagulat ko. Napatakip ako ng bibig at naluluha.
Nandito ang pamilya ko mula sa pampanga. Nandito rin ang dati kong kasamahan sa Student council. Naluluha kong tinignan si mama. Kaagad syang lumapit saakin at niyakap ako.
"Namiss kita ma" sambit ko.
"Namiss din kita nak" she said. Humiwalay na ito saakin at tinitigan ako. "Ang ganda ganda mo nak at congratulations dahil Natupad mo ang pangarap mong makapagtapos sa ibang bansa" nakangiting sabi ni mama.
"Thank you ma" nakangiti ko ding sabi. Bigla ay lumapit saakin si lola.
"Apo" saad nito.
"Lola" niyakap ko si lola at ganun din sya.
"Ngayon lang ulit tayo nagkita, ang ganda mo talagang bata"
"Thank you la" isa isa nila akong niyakap ay pagkatapos nila akong ih greet ng welcome back naghanda pala si mama kaya nagsikain muna sila. Nilapitan ko si Yara at Charlie na nakaupo.
"Akala ko ba hindi nyo sinabi" kunwaring galit kong saad.
"Ahm.." nagkatinginan pa sila. "Ah kasi kasama ko si Mich nung tumawag ka sakin, tapos narinig nya kaya sinabi nya kay tita, sorry" paliwanag ni Yara. Bigla akong natawa sa itsura nya. Takot na takot talaga. "Bakit?" Tanong nya.
"Ayos lang kahit sinabi nyo, natuwa naman ako kasi may pa welcome back sila"
"Hindi ka galit?" Umiling lang ko. "Hay akala ko naman galit ka" inakbayan ko sya saka nginitian.
"Hindi ko naman kayang magalit sayo noh" natatawa kong sambit.
"Picture naman tayo" biglang sabi nya. "Hey Franco" tawag nya na agad namang lumingon sakanya.
"Yes?" --Franco.
"Come on picture tayo" wow kailan pa naging close tong dalawa nato. Kaagad lumapit saamin si Franco tsaka tumabi saakin. "Okay 1,2,3..." Sabay click. "Nice nice nice" nakangiting sabi nya.
"Sandali lang palit lang akong damit" Saad ko at umakyat na sa taas.
Namiss ko tong kwartong toh...
Humiga muna ako sa kama tsaka pinikit ang mga mata.
Ang dami kong ala alang naiwan dito..
---------------
Xian's POV
Nakauwi nako ng bahay, tulad ng nakasanayan. Nandito kami ngayon ng mga tropa ko sa kwarto, walang ginawa kundi ang maglaro. May kanya kanya na kaming trabaho pero hindi pa rin nawawala ang bonding namin.
"Maniwala kayo sa hindi parang nakita ko talaga si kendra kanina sa mall" kapagkuwan ay sabi ko, nagulat ako ng bigla silang tumawa. "Bakit anong nakakatawa dun?" Kunot noo kong tanong.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
