Kendra POV's
Hindi kami pumasok ni Xian dahil sabi nga niya 'solo time daw' nagpaalam naman siya sa mga prof namin mukhang hindi nga kami papayagan pero itong mokong nato. Ginamit nanaman ang pagiging anak ng may ari ng school.
Nandito kami ngayon sa isang mall malapit lang sa school namin. Nag aya kasi si Xian na magdate naman daw kami. Habang inintay namin yung inoreder niya. Nakatitig lang siya saakin kaya naiilang ako at nag iiwas ng tingin.
"Bakit kaba nakatitig sakin?" Tanong ko bigla sakanya. Ngumiti ito saka hinawakan yung mga kamay ko.
"Minsan nalang kasi tayong magkasama, namiss ko lang titigan yung napaka ganda kong girlfriend"
"Sobrang busy kasi natin. Minsan may oras nga tayo pero mas gusto nalang nating matulog" natatawang sabi ko.
"Sorry ah" bulong niya.
"Para saan?"
"For not having so much time for you"
"Xian, ganun din naman ako sayo tsaka bumawi ka naman oh. Sinurprise moko kahit puro tapak yung paa ko"
Parehas kaming natawa doon. Dumating na yung inorder namin at ang dami nito.
"Ang dami. Pano natin uubusin toh?"
"Kaya mo yan. Ngayon nalang ulit tayo mag dadate na tayong dalawa lang kaya gusto ko mabusog ka"
Inuna ko munang kainin yung pasta.
"Nga pala, this week mas magiging busy na ako. kailangan naming itrain yung mga bagong player malapit na kasi yung laro"sabi niya habang ngumunguya.
"Xian I understand the situation, basta don't forget to text me or call me. Busy na rin ako dahil yung celebration party inaayos na namin. Pati yung mga certificates na gagawin. Kakapagod talaga"
I pouted. "Bakit ba parang laging ikaw nalang lahat gumagawa ng trabaho niyo. Kaya pagod na pagod ka eh. Di porket ikaw ang president ikaw nalang lagi ang mag aayos"
Sumubo muna ako bago magsalita. "Hindi nan sa ganun, ano kaba. Tinutulungan din naman nila ako syempre. Pero ako pa rin kasi ang mag fafinalize kaya nasakin lahat ng stress" Kinuhu ko yung juice tsaka uminom muna.
"Nakakatulog kaba ng maayos? Itim na ng eyebags mo oh" tinignan niya pa yung left part ng mukha ko.
"Oo naman. Pero parang kulang parin yung tulog ko sa sobrang pagod. Ikaw ba?"
"Ako pa! Sa tuwing magpapractice kami sigaw palang ng mga cheerleaders na naka short-skirts gising na diwa ko----ouch" Kinurot ko nga yung braso niya!
"Hoy lumalandi kana ba habang wala ako sa paligid mo? Nakooo ikaw ah"
"Bat ko gagawin yun. Hindi ako papatol dun sa mga babaeng kung makapag make up triple ata ang nilalagay. Ang iitim pa ng mga tuhod nun nakakasuka"
![](https://img.wattpad.com/cover/200424381-288-k516051.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Fiksi RemajaKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...