Kendra POV's
After ng ilang oras namin dito sa party ay nagpaalam na kami kay Yara dahil 12 na tsaka may pasok na bukas.
"Uwi na kami ah, kita nalang tayo bukas sa school"saad ko.
"Talaga bang uuwi na kayo"she said
"Oo eh anong oras na din kasi tapos may pasok pa bukas"
"Hmm ok sige ingat kayo, salamat ulit ah"
"Sige bye"nagbebeso beso lang kami tapos ay sumakay na ako sa kotse ni Charlie.
Kumaway pa ako bago umalis.
Katahimikan lang ang bumalot saamin ni Charlie.
Hindi kami naguusap buong byahe.
After ng ilang minutong byahe namin ay nakarating na kami sa bahay.
Pinagbuksan pa ako ng pinto ng kotse ni Charlie.
"Ayy salamat"saad ko ng makababa.
"Wala yun salamat din kasi nakasama kita ngayong araw"he said.
"Naku wala yun"
"Sige pasok kana maamog na din eh"
"Sige pasok nako"
Tumango lang sya, ngumiti ako saka pumasok na sa loob.
Pagpasok ko ay dumiretso na ako sa taas sa kwarto ko.
Pagbukas ko ng ilaw ng kwarto. Agad bumungad sa harap ko si daisy na nakapamaywang pa.
"Bakit ngayon kalang ah?"nakataas ang kilay na saad nya.
"Ngayon lang kasi natapos yung party, nakakahiya naman kung aalis kami ng hindi pa tapos yung party diba"nag aalis ng sandals na saad ko.
"Sabagay"
Pumunta ako sa banyo para mag linis ng katawan. Sobrang naglalagkit na talaga ako eh.
"Ikaw bakit gising kapa anong oras na?"
Narinig ko namang parang tumalon siya sa kama ko.
"Eh hinihintay nga kasi kitang dumating, tsaka hindi ako makatulog kakaisip sa lalaki kanina"parang kinikilig pa sya nung sinasabi yun.
I rolled my eyes.
Kung alam mo lang daisy na yung lalaking yun ay ang kinekwento ko sainyo dati na nangloko sakin.
Hindi ko lang alam kung ano magiging reaksyon mo.
"Hello ate kendra are you there"
"Oww yes"
"Akala ko nalunod kana dyan sa tubig"
"Anong nalunod ka dyan"
Puro talaga kalokohan toh oh!
Tinapos ko lang yung paglilinis ko tsaka ako lumabas ng banyo na naka roba.
"Totoo ba yung sinabi niya kanina ate kendra?"
"Na ano?"saad ko habang naghahanap ng masusuot na damit.
"Yung sinabi niya saamin na nililigawan ka niya"
Natigilan ako sa paghahanap ng marinig ko yun. Tapos ay humarap sakanya.
"Sinabi niya yun?"takang tanong ko pero ang totoo ay narinig ko ngang sinabi yun ni Charlie. Tumango tango naman sya.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Roman pour AdolescentsKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
