Chapter 49

386 10 3
                                        


Kendra's POV

Simula ng magising ako kaninang umaga, wala akong ginawa kundi ang kumain, manood ng Tv, magloptop, magcellphone.

Ganito pala pag wala kang trabaho, nakahilata lang buong maghapon. Wala ding ginagawa sila daisy at mich kundi ang magcellphone.

Niyayaya nga nila akong mag mall pero tumanggi ako.

At ngayon naman nandito ako sa kwarto ko, tumawag si Franco kanina saakin, at ang sabi nya, lalabas daw kami ngayong gabi.

Kakatapos ko lang maligo, magbibihis nalang ako. Matapos magbihis tumingin ako sa salamin at inayos ang sarili.

6:30 pm ang usapan namin, ewan ko kung bakit ang aga. Maaga pa nga ba yun? Ay basta yun ang usapan.

Natapos nakong magayos, I look myself in the mirror. I'm wearing today, fit jeans with belt, black long lose shirt na may nakasulat sa gitna na 'I'M OKAY', at naka tuck in pa. And wearing my favorite gray sling back, with gold watch na nabili kopa sa america, and necklace with pendant letter 'K'. K is for kendra. Simple make up lang ang nilagay ko with curly hair.

Ewan ko kung bakit naisipan kong mag suot ng ganito, siguro namiss ko lang. Dati kasi wala pa akong ka amor amor sa mga fashion, siguro dahilan na rin ng kahit anong isuot ko noon hindi babagay, ang taba ko kasi dati, hindi naman yung katabaan, sakto lang.

Pero simula ng tumira ako sa america, natuto akong mag exercise, mahiligan sa mga fashion, mag make up ng simple lang. Dala din ng pagmomodel, syempre kailangan maganda, marunong manamit, mag make up. Thankfull ako kay tita stella, na siyang nag asikaso saakin sa america, kung bakit ko nararating ngayon toh.

"Ate kendra" nagulat ako when daisy popped up her head sa pintuan.

"Pwede ba wag kang nanggugulat" kunot noo kong sabi.

"Sorry. Si kuya Franco kasi nandyan na"

"Ahh okay sige sabihin mo pababa na"

"Okay" nakaalis na ito pero bigla nalang bumalik ulit.

"What?" Tanong ko.

"A-anong suot yan?" Tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Damit" I said.

"I know, but, ate kendra diba magdadate kayo, pero bakit ganyan ang suot mo?"

"Hindi kami magdadate okay, kain lang, kain lang sa labas"

"Pero date na din yun" tinitigan ko sya ng masama. "Ahm sabi ko nga hindi date hehehe" saka nagmamadaling bumaba.

Umiling iling lang ako tsaka kinuha ang phone ko sa study table. Bakit wala pa ring text o tawag si mama. Huling text nya saakin kaninang tanghali pa.

She said na nadelay yung flight nila kaninang umaga kaya tanghali na sila nakasakay. Yun lang and wala. 12 pm pa yun at 6 na. Bakit ganun?

Hindi ko nalang pinansin muna yun, bumaba na ako at nakita ko si franco na nakikipagkulitan.

"Hey" saad ko ng makababa. Natigilan sila at tumitig saakin si Franco at mich habang tahimik lang na nakaupo si daisy. "Why?"

Mich: "Ahm ate kendra anong suot yan?" Tinignan din ako mula ulo hanggang paa.

"Ano bang problema sa suot ko, ayos namn ha"

Franco: "Oo nga, ang ganda kaya, bagay talaga sayo kahit anong suotin mo"

"Thank you" sabi ko.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon