Kendra' POV
The next day....
"Since nagtransfer na sa ibang school ang vice president ng student council. Kindly meet Franco Sanchez the new Vice President of Sarmiento University. Kayo na bahalang magpakilala sa mga sarili nyo. Mauna nako" pagkalabas ni Mrs. Velasquez naiwan nalang kaming mga student council dito.
"Ang gwapo niya shet"
"Oo nga"
"Sana makclose natin siya"
"Ang sabihin mo sana mabait yan, mukha kasing badboy oh"
"Ano kaba teh hindi kana nasanay sa school nato eh ang daming badboy dito"
"Ay oo nga noh"
Rinig ko sa mga bulungan ng mga kasamahan ko. Lumapit ako kay Franco saka inilahad ang kamay. "I'm kendra Zamora, the president of student council" pagpapakilala ko.
"Franco Sanchez" nakipag kamay ito saka ngumiti.
"I'm Bienaldo, but you can call me bien in short"
"Hi I'm Raura, call me raura"
"Zia, nice meeting you"
"Hello sainyo" saad ni Franco.
"Yung ibang student council wala dito dahil may ibang gawain sila" saad ko. "Kung meron kang tanong, nandyan si bien para alalayan ka" sabi ko na tinuro si bien at nagpacute pa. Actually he's gay. "Then yun lang naman, siguro alam mo naman kung anong position mo at kung anong gagawin mo" tumango naman ito. Bumalik na ako sa ginagawa ko kanina.
Tapos na kasi ang klase namin at ito naman ang gagawin ko.
Habang nagtatype ako sa loptop. Nararamdaman kong parang may nakatingin saakin kaya nag angat ako ng tingin. Nakita kong nag iwas ng tingin si Franco. Hindi ko yun pinansin at nagptuloy lang.
Dumaan pa ang ilang minuto. I looked at my phone. 3 missed call for Xian. Hindi ko nanaman nasagot.
"Hey kendra, 6 pm na pala"
"Kanina pa kaming 3 pm dito"
"Baka pwedeng sa monday nalang to?"
"Overtime nalang kami"
"Okay sige, pagod na din ako"
"Thank you talaga kendra"
Nagmadali na silang umalis. Inayos kuna yung mga gamit ko.
"Ahm, tulungan na kita" nag angat ako ng tingin at nasa harapan kona si Franco.
"Akala ko sumabay kana sakanila" saad ko na tinuro pa ang pinto. Nagkamot siya sa ulo saka ngumiti.
"Susunod nadin sana ako kaso mukhang maiiwan ka mag isa dito kaya hindi nako sumunod"
"Sanay nakong naiiwan mag isa dito, kaya walang problema" saad ko tapos tinuloy ang pag aayos sa mga gamit ko.
"Ahm, uuwi kana ba nyan?" Tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Genç KurguKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
