Kendra POV
*kinabukasan*
Kring...kring
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi ko na marinig pa yung pagtunog ng alam clock.
TEN MINUTES PA
Kring...kring
Tinanggal ko na ang pagkakatakip ng unan sa mukha ko at kahit inaantok bumangon na ako saka inis na pinatay ang alarm clock. Nag inat inat muna ako saka pumunta sa may closet para ihanda ang gagamitin kong pangpasok.
Pagkatapos kong ihanda ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.
Nagtoothbrush muna ako. Habang nagtotoothbrush sa may lababo ng banyo ko, napatingin ako sa salamin.
Buti na lang at hindi na namumula yung pisngi ko dahil sa sampal ni Ara.
'Nakakainis yung babaeng yun, lalo na yung Xian na yun hindi man lang ako tinulungan'
Nagmadali na lang akong tinapos ang pag sesepilyo, saka mabilisang naligo dahil baka malate pa ako.
Pababa na ako ng hagdan ng maamoy ko ang paborito kong champurado.
Hmmm
Dumiretso ako sa kusina, nadatnan ko na nagluluto si mama. Bigla ko syang niyakap mula sa likod.
"Ay kabayo ka"gulat na sigaw ni mama.
Napasimangot ako.
"Ma mukha ba akong kabayo?"tanong ko kay mama ng nakasimangot.
Humarap saakin si mama."bakit? Maganda naman yung kabayo ha!"may pang aasar na pagkasabi ni mama saakin.
"Ma naman eh"nakasimangot na sagot ko.
"Oh! Bakit? May nasabi ba akong masama"tatawa tawang sabi pa ni mama.
Sumimangot lang ako. Lumapit sya saakin tapos bigla akong niyakap ng mahigpit.
"Joke lang yun, mas maganda ka pa sa kabayo"nakangiting sabi saakin ni mama.
"Maaaa"
"Hahaha, halika na nga kumain na tayo at baka malate kapa sa school mo"
Kami na lang dalawa ni mama ang magkatuwang sa buhay. 5 years old ako ng mamatay si papa dahil inatake sya sa puso. Sa Pampanga kami nakatira dati, kila lola pero ng mamatay na si papa ay napagdesisyunan ni mama na humiwalay na kami ng bahay, nung una ayaw pa ni lola na humiwalay kami, pero wala din syang nagawa, sa laguna na kami ngayon naninirahan.
"Teka ma, anong oras nga po pala kayong nakauwi kagabi?"tanong ko kay mama dahil pag uwi ko galing school ay wala pa sya.
"Alas dyes na ako nakauwi, tinapos kona kasi lahat ng pinagagawa ng boss ko"sagot ni mama habang pinagsasandok ako ng paborito kong champurado.
"Thank you po"
Pagkatapos naming kumain ni mama nagpaalam na ako.
"Bye ma, love you po"sabi ko sabay halik sa pisngi nya.
"Love you too, mag iingat ka ha"sabi nya and then hinalikan nya din ako sa pisngi.
Ngumiti lang ako, saka na lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Novela JuvenilKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
