Kendra's POV
*Kinabukasan*
"Anak" I wipe my tears when she suddenly popped up her head sa pintuan. Nakalimutan ko palang isara yun nung lumabas ako.
"Yes ma?" Tanong ko ng hindi lumilingon sakanya saka pinnunasan ang luha ko.
"Umiiyak ka nanaman" Sabi nya saka pumasok at lumapit saakin. "Kagabi pa kita naririnig na umiiyak, baka wala ka ng maiyak nyan mamaya ha"
"Ma naman" natawang sabi ko.
"Joke lang. Punasan mo nga yang mukha mo ang lagkit na oh" tsaka pinunasan ang luha ko. "Ang panget muna anak, namamga na yang mata mo oh konti nalang magiging singkit kana" napangisi ako sa sinabi ni mama. "Yan mas maganda ka pag nakangiti"
"Thank you" biglang sabi ko.
"Para saan naman?" Tanong nya habang inaayos ang mukha ko.
"Thank you kasi tuwing may problema ko lagi kang nandyan. Salamat ma dinadamayan moko, na ikaw yung laging nag aadvice sakin tuwing may problema ako sa pag-ibig. Thank you kasi kahit na ginabi kana galing work, pagod ka, puyat, may time kapa din para puntahan ako dito sa kwarto ko. Thank you iloveyou" mahigpit ko syang niyakap. "Thank you ma" lumuluhang sabi ko.
"Tama na nga yan pinapaiyak mo naman ako eh" tumatawa akong bumitaw kay mama at nakita ko syang nagpupunas ng luha. "Pinapaiyak mo naman ako eh ikaw nga tong may problema sa love life tapos ako yung pinapaiyak mo"
"Sorry" tumatawa kong sabi
"Ok lang yun nak, love ka ni mama. Sino ba namang magdadamayan dito eh tayong dalawa nalang magkatuwang sa buhay" natatawang sabi nya. "Basta lagi mong tandaan na nandito lang ako. Lagi kitang susuportahan lalo na ngayon malapit ka ng umalis" biglang kumunot ang noo ko sa huling sinabi nya.
"Ako? Malapit ng umalis? San naman ako pupunta?" Kunot noo kong tanong. Hinawakan nya ako sa kamay.
"Anak diba nung highschool ka lagi mong sinasabi saakin na pag nag college kana, gusto mong mag aral sa ibang bansa?" Naguguluhan akong tumango. "Matagal ko tong pinag isipan, naisip ko na matupad naman yung gusto mo, kaya nagpatulong ako sa mommy ni francis para makapasok ka sa University na gusto mong pasukan"
"Wait ma! Anong ibig nyong sabihin? Na doon ako sa ibang bansa magtatapos? Ma one year nalang ako dito gagraduate nako tapos lilipat pako?"
"Anak gusto ko lang tuparin yung pangarap mo, diba ito yung matagal mo ng gusto?"
"Pero ma pano kayo? Ayokong iwan kayo mag isa dito" hinaplos nya ako sa mukha.
"Kasama ko naman yung mga pinsan mo, hindi ako maiiwan mag isa dito" nakangiti nyang sabi at doon bumagsak ulit ang mga luha ko.
"Thank you ma" niyakap ko sya muli. "Salamat talaga ma" humihikbi kong sabi. Hinamas himas nya ang likuran ko.
"Diba sayo ko sayo wag kanang umiyak pati ako nadadamay eh" kumalas na ako sala nagpunas ng luha.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Fiksi RemajaKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
