Chapter 10

852 21 0
                                        

Kendra POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.



Pagmulat ko biglang tumama ang mata ko sa ilaw kaya agad akong napapikit.




"Kendra, anak"rinig kong boses ni mama.



Nagmulat ako saka tumambad sa harapan ko si mama.



"Nasaan po ako?"tanong ko agad kay.




"Nasa hospital ka anak"sagot nya.





Pinalibot ko ang paningin ko at puro puti ang paligid. Nakita ko  si  doktora sa gilid. Ngumiti sya saakin saka lumapit.





"kamusta ang pakiramdam mo?"tanong nya.




"Maayos na po"sagot ko ng may ngiti.





Bigla ko namang naalala, kung paano ako napunta dito.




"Ahm, paano po ako napunta dito?"tanong ko, saka tumingin kay mama.




"May naghatid sayo ditong isang lalaki"sagot  ni doktora.





Isang lalaki, sino naman kaya yun




"Ahm sge maiwan ko muna kayo, marami pa kasing akong pasyenteng titignan"pagpaalam ni doktora.




"Sge doktora maraming salamat"mama said.






"Salamat po"I said.




"Hmm magpalakas kapa para makalabas kana"dagdag nya, tumango lang ako saka nginitian sya.




"Kamusta ang pakiramdam mo anak, ayus naba, bakit kaba kasi nahimatay, tsaka bakit ka nap-"putol ko sa sunod sunod na tanong ni mama pagkaalis ni Doktora.




"Ma, ayus na po ako, wag na po kayong magalala"sagot ko sa mahinahong boses.




"Anak, paanong hindi ako mag aalala, muntik ka ng mapahamak"may pag aalala sa boses ni mama."Ano nanamang nangyari sayo bakit inatake ka nanaman ng hika mo?"dagdag tanong nya. Bigla ko namang naalala kung bakit ako nahimatay.




"Narinig ko po kasing nagsara yung pinto ng CR sa locker tapos sinubukan ko pong buksan, nung ayaw pong mabukas nagsisigaw ako"Paliwanag ko.




"Hayaan mo kakausapin ko ang chairman ng school nyo, papareview kona rin yung CCTV sa Cr" Tumango lang ako. Saka nya ako niyakap.




Humiwalay na sa pagkakayakap si mama.




"Anong oras na po pala ma?"tanong ko. Tumingin muna sya sa relo nya.




"Alas kwatro na ng hapon anak, bakit nagugutom kaba?"tanong ni mama,tumango lang ako"sandali ipagbabalat kita ng mansanas"dagdag pa nya.




Kumuha  sya ng isang mansanas saka ito hinugsan muna bago balatin.




Tatlong oras na klase ang hindi ko napasukan. Sigurado akong hinahanap ako ni Yara nito.




Sino ba kasing nagkulong saakin sa Cr. Si Xian kaya o baka naman si Ara.




"Ito na anak"biglang singit ni mama sa pag iisip ko.




Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon