Chapter 41

493 14 5
                                    


Kendra's POV

"Kendra" niyakap ako agad ni franco ng masira nila ang pinto.

"Ang bababoy nila" umiiyak kong saad.

"Ssshhhh ..tahan na" tsaka hinawi hawi ang likod ko. Hanggang sa maupo nila ako sa upuan ko hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak.

"Sister tahan na"

"Bakit nila nagagawa sakin toh?" Humihikbi kong tanong. Ang daming bakit sa isip ko.

"Mamahinga ka muna" saad ni franco. "Bumalik na kayo sa mga ginagawa nyo" nagsibalik na sila sa mga ginagawa nila. At eto ako tulala lang. Iniwan muna ako ni franco dahil marami pa siyang gagawin. Pinilit ko ang sarili ko na maglibang, pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Pero kahit anong gawin ko pumapasoj pa rin sa isip ko kung anong napanood ko.

Inayos ko ang gamit ko pagkatapos ay tumayo. "Pasensya na mauna nako" saad ko at lumabas na ng pinto pero nagulat ako dahil nakayuko na nakaupo si Xian sa sahig.

"Kendra mag ingat ka" sabi ni franco kaya nag angat ng tingin si Xian. Tumayo ito at inayos ang sarili.

"Kendra" he said pero hindi ko yun pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "Kendra sandali lang, mag usap naman tayo" Saad pa niya. Nagtuloy lang ako. "Kendra kahit ilang minuto lang sige na please"nagulat ako ng bigla niya akong yakapin sa bewang.

"Ano ba Xian bitawan mo nga ako" pilit kong tinatanggal ang mga kamay niyang nakayakap.

"Wag mo naman akong iwan oh" parang umiiyak pa niyang saad. Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin, bigla nalang may tumulong luha sa gilid ng mata ko, agad ko itong pinunsan. "Nagmamakaawa ako sayo kendra, wag mokong iwan" umiiyak ngang aniya. "Gagawin ko lahat, gagawin ko lahat ng gusto mo" hindi kona napigilan ang mga luha ko, kusa na itong bumagsak.

"Pwede ba Xian bitiwan muna ko" malumanay kong saad.

"Ayoko please kendra, pakinggan mo muna ko---"

"Ano pang papakinggan ko sayo" sigaw ko gulat siya ng malakas kong tanggalin ang mga braso niya sa bewang ko. Pinunasan ko ang luha ko pagkatapos ay humarap sakanya. "Ano pang gusto mong pakinggan ko sayo, yang kababuyan mo, yang mga lintik na pangako mo" nakaluhod ito sa sahig habang nasa baba ang tingin. "Nung sinagot kita, sinabi ko, sana ikaw na yung huli, sana hindi na ako masaktan. Nagkamali pala ko, mas masahol kapa pala" madiin kong sabi. Nag angat iyo ng ulo saka ako tinitigan sa mata.

"Sorry. Hindi ko naman ginusto toh eh. Hindi ko naman ginusto na paglaruan ka. Oo nung una laro lang sakin" nagpunas ako ng luha "Pero habang tumatagal natutunan kitang mahalin. Kendra please wag mo naman akong iwan. Mahal na mahal kit--"

"Lintik na pagmamahal yan" sigaw ko. "Ano dalawa puso? Mahal mo siya mahal moko?"

"Hindi ko mahal si Ara-"

"Pero may relasyon kayo"

"Wala kaming relasyon maniwala ka naman sakin" bumuga ako ng malalim na hininga.

"Ayoko na, tapusin na natin toh" tumalikod na ako at aktong aalis ng hawakan ako sa kamay.

"Kendra wag hiwalay, please oh wag naman hiwalay, wag hiwala--" Natigilan sya ng malakas kong hablutin ang braso ko sa pagkakahawak sa kanya!

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon