Chapter 44

462 10 0
                                        

Kendra's POV

*Kinabukasan*

"Anak bilisan mo naman malalate na kayo sa flight" sigaw ni mama mula sa baba.

"Opo nandyan na" sigaw ko habang inilalagay sa maliit kong bag ang mga pwede ko pang dalin. Inantok kasi ako kagabi kaya hindi kona natapos.
No
"Anak"

"Nandyan napo" hays. Maiwan ko muna kayo dyan ha balikan ko nalang kayo. Sinara kona ang pinto ko saka bumaba na.

"Ang tagal mo nasa labas na si Franco" Sabi ni mama saka kinuha ang maleta kong dala.

"Sorry po ma eh tinignan kopa kung ano pwede kong dalin"

"Oh sya halika na" lumabas na kami ng bahay at nadatnan namin sila Mich, Daisy at Franco sa labas.

"Pasensya na guys" saad ko.

"Ako napo tita" kinuha ni Franco ang dalang maleta ni mama saka inilagay ito sa likod.

"Salamat anak, halika na baka malate pa kayo" --mama.

Sumakay na kami saka umalis. Makalipas ang ilang minutong byahe namin narating din namin ang airport. Binaba ni Franco ang mga maleta namin.

"Salamat" saad ko. Natanaw ko sila Yara di kalayuan. Nakangiti ito habang papalapit saamin.

"Sissy" Saad nya ng makalapit saka ako niyakap.

"Hey nasasakal ako"

"Sorry, mamimiss lang kita eh, wala nakong bestfriend na kasama maglunch" malungkot nyang sabi.

"Ano kaba babalik din ako"

"Pero mamimiss talaga kita, lagi tayong mag swipe ha"

"Oo naman, basta ikaw ang tatawag" biro ko.

"Lagi naman ako ang tumatawag sayo" ngumiti nalang ako.

"Oh Charlie. Buti nakapunta ka?"

"Ako paba eh gusto kitang makita bago ka umalis" he said. Lumapit ako sakanya at niyakap ito na ikinagulat nya.

"Magpakabait ka dito" Saad ko. Sa tagal ng panahon, ngayon ko nalang ulit ito nayakap. Humiwalay na ako saka tumingin kila mama.

"Ma" niyakap ko din si mama.

"Anak mag ingat kayo dun ha" Sabi nya at hinimas himas pa ang likod ko. Humiwalay din ako agad.

"Yes ma, kayo rin po mag ingat kayo dito...hoy kayong dalawa" turo ko kila Mich. "Wag nyong bibigyan ng sakit ng ulo itong si mama"

Daisy: "Oo naman ate kendra, babantayan namin si tita"

Mich: "Aalagaan namin sya ate"

Ngumiti ako at tumingin ulit kay mama. "Wag kayong magpagod ha...sa work nyo wag masyadong mag puyat" ngumiti si mama tapos hinaplos ako sa pisngi.

"Oo naman anak, laging kang tatawag samin okay" tumango ako. "Oh sya sige na. Franco"

"Tita?"

"Ikaw na bahala kay kendra...bantayan mo tong bata nato doon, baka kung san san mapunta" natawa kami.

"Opo tita makakaasa po kayo" nakangiting sambit ni Franco.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon