Epilogue

598 22 7
                                    


Epilogue

#FFMBfinale

Kendra's POV

3 Months ang lumipas simula ng mawala si mama. Parang nawala din ang kalahati ng katawan ko, napabayaan ko ang sarili ko, lagi akong umiinom, umiiyak araw man o gabi. Nawalan ako ng pakialam sa mundo. Minsan naisip kopa na sumunod nalang sakanya, pero mapaglaro talaga ang tadhana. Alam ko kasi na wala ng silbi pa ang buhay ko ngayong wala na ang mga taong naging parte ng buhay ko.

Isang linggo ang lumipas noon ng mailibing ito. Para akong nabaliw nung mga oras na yun, hindi kona pinapansin yung mga taong nasa paligid ko, pinilit din akong iuwi ng pampanga pero nagpumilit akong hindi sumama. Kumakain na ako ng maayos, hindi na din ako umiinom ng alak.

Isang buwan simula ng ipalabas ang magazine ng ford company kung saan ako ang naging modelo, maraming kumpanya ang nagustuhan ako, kabi kabila ang tumatawag sakin. Dahil sa suporta sakin ng mga kaibigan ko syempre pati na ni Xian. Naipagpatuloy ko ang pangarap ko. Sunod sunod ang naging scedule ng trabaho ko.

Nung mga panahon na yun, nilibang ko ang sarili ko sa pagtratrabaho. Unti unti akong nakabangon. Bumalik na rin ng states si Franco, tinanong niya pa kung gusto ko ring bumalik ng states, pero sinabi ko na nandito ang pamilya ko. Naging magkaibigan ulit kami ni Charlie, isinantabi na namin kung ano ang nakaraan saamin. Nilisan kona rin ang dati naming bahay, sa tulong parin ni Xian, kaagad kaming nakahanap ng condo na pwede kong tuluyan.

Si Yara at ang parents niya, na naging tulay ko rin upang makabangon, itinuring nila akong parang anak na nila.

"Salamat sainyo" tumigil sila sa pag aayos sa gamit ko at nagtatakang tumingin saakin "siguro hanggang ngayon, lugmok parin ako sa lungkot, hindi ko siguro alam kung paano ako makakabangon ulit" nakita kong ngumiti si Yara saka lumapit saakin.

"Alam mo namang kapatid na turing ko sayo, kaya nandito lang ako, kaming lahat" aniya.

Margo: "Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang isa saamin"

Kerby: "Wag kang mahihiya kendra, magkakaibigan tayo dito"

Kian: "Pero mukang ayaw kang maging kaibigan nung isa dyan--" lahat sila tumingin kay Xian na abala sa paglalabas ng mga gamit sa kahon.

Nang mahalata nyang nakatingin kami, kunot noo kaming tinignan isa isa.

"Why?" Tanong nya.

Lumapit si kian sakanya saka inakbayan ito. "Akala koba may sasabihin ka kay Kendra" ani pa ni kian. Napangisi ako ng makita yung itsura ni Xian, namumula ang mukha nito.

3 Months ago ng maalala ko yung mga nangyari nung nasa bar kami. Hindi ko alam kung ano anong pinagsasabi ko noon. Sya ang umalalay saakin simula noon. Humingi sya ng kapatawaran saakin noon. Tinataboy kopa sya nung mga oras na yun pero araw araw itong nagpupunta ng bahay para alagaan ako.

Nabalitaan niya mula kay Yara na nagpaiwan ako dito at hindi sumama sa mga kamag anak kong umuwi ng probinsya. Lahat sila nagpupunta ng bahay, minsan doon pa sila natutulog para samahan ako. Malaki ang pasasalamat ko sakanilang lahat. Kung hindi dahil sakanila, siguro wala na din ako ngayon. Naging malapit sila saakin.

"A-anong sasabihin ko?" Nautal pa ito ng magsalita kaya natawa kami. Halatang kinakabahan.

"Naku kuya Xian, natorpe nanaman, osige alis muna kami, bibili lang kami ng pagkain, nagugutom nako eh" ani Yara at nanguna sa pintuan.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon