Kendra POV's
"Thank you sa libre"dumungaw ako sakanya dahil deretso lang ang tingin niya.
Nilingon niya ako saka ngumiti."Wala yun basta ikaw" Patago akong napangiti.
Pagadating namin sa parking lot kaagad kaming sumakay at umalis, dahil baka gabihin kami sa paggawa ng project.
Habang nagmamaneho siya, patago akong sumusulyap sakanya. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siyang tinititigan, samantalang dati ayaw na ayaw kong nakikita yung pagmumukha nung lalaking toh.
Siguro nga may nararamdaman nako sa dragon nato. Pero paanong ang bilis naman.
"Malulusaw ako nyan"tumatawang saad niya kaya kaagad akong nag iwas ng tingin.
"Bakit ka naman malulusaw?"maang na sambit ko. Ang mga paningin ko ay nakapako lang sa labas at tinitignan ang mga bahay na nadadanan namin.
Tumawa siya ng malakas kaya doon ako lumingon. Tinaasan ko siya ng kilay."Anong nakakatawa?"tanong ko.
"Wag kana ngang mag maangan dyan, kung gusto mo akong titigan ayos lang sakin, kahit nga magdamag mopa akong titigan ayos lang eh"
"Pinagsasabi mo?"
"Tch..tch..tch..kendra..kendra,Wag kana ngang mahiya sakin, dapat nga masanay kana"
"Bakit naman ako masasanay sayo?"
"Malay mo isang araw, mahulog kana nalang sakin"saka pinakita ang matamis nyang ngiti.
"Mahulog ka dyan, never akong mahuhulog sayo noh"humalukipkip ako saka tinugon ang paningin sa daan.
"Ok, pero baka kainin mo yang sinabi mo"Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay este mansion pala nila.
Pagbaba ng kotse niya agad kaming sinalubong ng katulong nila. Kinuha nito ang bag ni Xian saka pumasok na sa loob. Sosyal ah. Kinuha naman ni Xian yung mga pinamili namin sa likod ng kotse. Pagkakuha ay niyaya na niya akong pumasok.
"Sa kwarto nal---"
"Kwarto?"gulat niya akong tinignan at kinunutan ng noo kaya naman nahihiya akong kumamot sa ulo."Sorry ano nga ulit yun?"
"Ang sabi ko sa kwarto nalang tayo gumawa"tugon niya.
"Eh bakit sa kwarto mo pa pwede naman dito sa sala"
"Sa taas nalang para malamig, mainit dyan"pagkasabi niya nun nauna siyang umakyat sa taas. Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang din.
Pagpasok sa kwarto tumama agad sa balat ko yung lamig. Sinara ko yung pinto para hindi lumabas yung lamig sa kwarto, saka ko hinanap si Xian dahil hindi ko siya makita.
"Ahm Xian, pumasok nako ah, upo lang ako dito sa study table mo"tapos ay umupo na ako.
Siguro nasa Cr siya, may naririnig kasi akong pisik ng tubig. Nilingon ko yung paningin ko sa kabuuan ng kwarto, meron akong nakitang mga picture nung maliit pa siya, ang cute niya nung baby.
Lumapit ako doon para mas makita ko pa ng malapitan. Habang isa isa kong tinitignan, hindi ko sadyang malingunan yung kahon.
Ano kayang laman nito? Baka privacy nya toh eh? Hindi ko nalang pinansin yun tsaka ako nagpatuloy sa pagtingin.
Maya maya pa umupo na ulit ako sa study table. Kumuha ako ng isang book saka ito binuklat. And then narinig ko na may bumukas na pinto kaya napalingon ako doon saka laking gulat ng makita si Xian na nakahubad.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...
