Chapter 6

913 24 0
                                        

Kendra POV

*after school hours*



Hayyy sa wakas makakauwi na rin ako, makakapagpahinga na.


Inayos kona yung mga gamit ko saka lumabas na kami ni Yara.


"Pupunta ako ng mall, gusto mo bang sumama kendra"tanong saakin ni Yara.



"Hindi na, gusto ko na ring magpahinga, baka nakauwi na rin si mama."Sagot ko.


Tumango lang sya bilang sagot.
Kinapa ko yung bulsa ko para tignan kung nagtext ba si mama.


Pero pagkapa ko sa bulsa, kinabahan ako kasi wala akong makapa. Tumigil ako sa paglalakad para tignan ang bag ko kung nailagay ko dun. Tumigil din sa paglalakad si Yara.



"Oh! Anyare sayo, bakit namumutla ka dyan?"tanong saakin ni Yara.



"Yung cellphone ko, nawawala"sagot ko habang hinahalungkat ang bag.



"Ha? Eh diba hawak mo lang kanina bago tayo lumabas ng room?"tanong nya.



Shet, baka naiwan ko sa upuan ko...



Nagmadali akong tumakbo pabalik sa room.


"Kendra saan ka pupunta, hintayin moko"sigaw pa ni Yara.



Hindi ko na lang sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.


Sa pagmamadali kong makarating ng room. Bigla  na lang akong may nakabungguan.



Mahilig talaga ako sa mga ganitong pangyayari. (*_*)



Nagkauntugan kami kaya parehas kaming nasalampak sa sahig.


Tinulungan akong makatayo ni Yara.


"Ano ba, hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"sigaw na tanong nya.



Pagka-angat ko ng ulo ko, nanlaki ang mata ko dahil si Ara pala ang nakabanggaan ko.



"Ahm, pasensya na"sabi ko sa mahinahong boses.



Tutulungan ko sana syang tumayo pero naunahan ako ng mga kaibigan nya.



"May balak ka bang sumali sa track-and-field, kaya nagpapractice ka ng tumakbo ng mabilis ha!"sagot nya.


Nagtawanan ang mga kaibigan nya.


Hindi ko na lang sila pinansin sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad.



"Arayyyyy"malakas na sigaw ko.


Hinatak kasi bigla ni Ara yung buhok ko.


"Wag mo akong tinatalikuran pag kinakausap pa kita"nangigigil na sagot nya habang hatak hatak ang buhok ko.


"Ara bitawan mo nga sya"narinig kong sigaw ni Yara.


Dumarami na rin ang mga nanonood saamin.


Inutusan ni Ara na hawakan ang kaibigan ko.



"Ara nasasaktan ako"sagot ko kay Ara habang hawak hawak ang kamay nya mula sa likod.


"Dapat lang na masaktan ka, dahil wala kang karapatang talikuran ako at ipahiya"sigaw nya sa mukha ko. Hinigpitan pa nya ang pagkakahawak sa buhok ko saka ako kinaladkad papunta sa comfort room.


Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon