Chapter 26

673 21 3
                                    

Kendra POV's

"Ate kendra gumising kana"kanina pa ako ginigising ni daisy pero tinatamad pa talaga ako.

"Five minutes pa daisy"antok na saad ko.

"Ate kendra naman eh, malalate na kaya tayo"yugyog pa niya saakin.

Ano ba naman tong bata na toh oh!

Aga aga pa eh!

"Ate kendra naman eh!"naiinis na saad niya.

Kinuha ko yung unan ko saka pinangtakip sa mukha ko.

Napuyat kasi ako masyado kagabi, eh pano ba naman kasi minsan na nga lang ako mag online, meron pa akong makikita na hindi ko nagustuhan.

Gusto nyo bang malaman kung ano yung nakita ko kagabi sa timeline ko.

Aba syempre gusto nyong malaman.

Ginawa ko pa yong story nato kung hindi ko rin naman sasabihin diba!

HAHAHA

Ok na OA na tayo masyado dito!

Eto na nga yun!

Nakita ko kasi eh yung pinost ni----"Aray ko naman daisy"agad bumangon ang kaluluwa ko ng biglang tusukin ni daisy yung hita ko ng pin. Pin, yun eh yung parang pako kaso pabilog yung ulo nya tapos karayom yung katawan nya. Alam nyo yun, naiimagine nyo ba?

HAHAHA sorry guys masyado ng nagiging OA yung kwento ko.

"Sorry"daisy said habang kinukurot yung braso nya. Alam ko kinakabahan nato, pag kasi may nagagalit oh may nagawa siyang kasalanan kinukurot niya yung braso nya. Ewan ko ba kung bakit.

"Tignan mo oh, dumugo na"saad ko habang mas pinadudugo pa yung tinusok niya.

"S-sorry ate k-kendra, g-gusto ko lang naman kasing b-bumangon ka na dyan kasi ayokong malate, s-second day ko pa naman ngayon"utal na saad niya.

"Kahit na, hindi mo naman kailangang tusukin yung hita ko ng pin eh, para kang bata, diba sinabi ko naman sayong five minutes pa, hindi moba naiintindihan yun"napalakas ata yung pagkasabi ko dahil bigla nalang dumating si mama sa kwarto ko.

"Oh anong nangyari sainyo, bakit ka sumisigaw dyan kendra?"saad ni mama ng makapasok sa kwarto ko.

Tumingin ako kay mama saka tinuro si daisy sabay sabing---"Fifteen years old nato pero yung pag iisip parang five years old lan--"

"Kendra"pigil ni mama sa mga sasabihin ko pa.

"Why?"I said.

"Pinsan mo yang sinasabihan mo, hindi mo dapat sinasabi yung mga ganyan, lalo na't kaharap mo sya"mama said.

Tumingin ako sa gawi ni daisy at kita kong nakayuko lang siya at parang naiiyak na hindi mo malaman.

Kunot noo akong bumangon at nagtungo sa banyo.

Aga aga sira agad yung umaga ko.

Pagsara ko ng pinto sa banyo, narinig kong parang lumabas na sila mama.

Napasandal pa ako sa pintuan.

Ano ba kasing nasa isip mo kendra at nasabi mo yun!

Arghhhh...

Nakakainis!

Dahil sayo toh Xian eh, humanda ka sakin mamaya.

Naligo nalang ako para mawala yung inis ko.

Falling for Mr. BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon