Kendra POV
Totoo ba......
Nananaginip ba ako....
Kendra gumising ka........Saka ko pinagsasampal yung sarili ko.
(hehehe syempre joke lang yun, ito na nga)
"kendra mahal parin kita"deretsong sagot nya. Gulat akong napatitig sakanya. Nangmahimasmasan.
"Pero Charl-"
"Alam kong mahirap paniwalaan pero kendra, totoo yung sinabi ko, kaya ako nandito ngayon dahil gusto kong malaman mo na mahal parin kita"he said"Sana kendra kaya mo ulit buksan yung puso mo para saakin"dagdag nya.
Agad agad, kababalik nga lang nya dito eh, tsaka anong nangyari sakanila ni stacy.
"Pero Charlie, pinatawad kita dahil hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob, hindi para papasuk-"naputol ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita.
"Ehem"hindi ko namalayang nakapasok na pala si Yara.
Dali dali kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Charlie.
Nahihiya akong nag angat ng tingin kay Yara.
"Ahmm, Nasaan si mama?"nahihiyang tanong ko.
Lumapit sya saamin saka pumunta sa paanan ko.
"Inaayos na yung bill mo, pwede kana raw lumabas"sagot nya.
"Ganun ba"sabi ko.
Nakita kong tumayo si Charlie"Mauna na pala ako"sabi nya.
"Ah sge salamat sa pagdalaw"sabi ko saka sinuklian sya ng ngiti.
Sinuklian nya rin ako ng ngiti saka tumingin muna kay Yara bago lumabas ng pinto.
Lumapit si Yara saakin saka umupo sa tabi ko, bigla nya akong pinalo sa balikat.
"Aray ko naman"sabi ko saka hinimas ang balikat ko.
"Ikaw, ano nanaman yung nakita kong yun ha?"
"Wala lang yun nagpasalamat lang ako sakanya"
"Kailangan magkahawak ng kamay pag nagpapasalamat?"
"Tsk..tsaka humingi na rin sya ng tawad saakin"
"Para saan? Eh hindi naman sya yung gumawa nyan sayo"
"Oo nga pala lagot talaga saakin yang pinsan mong yan"Sabi ko sa naiinis na boses.
"Oo gusto mo tulungan pa kitang ipabugbog si kuya Xian, pero sabihin mo muna saakin kung anong ibig sabihin nung nakita kong yun"she said. Naiinis akong tumingin sakanya.
"Ikaw, alam mo dinaig mo pa magulang ko kung makaalam sa buhay ko, Chismosa ka rin eh"I said. Bigla syang sumimangot.
"Sge na nga, pero ito tatandaan mo, wag na wag kana ulit magpapaloko sa gagong yun, naiintindihan mo?"she said habang nakaduro saakin. Tinignan kolang sya.
"Ano, sumagot ka"seryosong sabi nya.
Hindi ko sya pinansin sa halip ay humiga na ako saka nagtakip ng kumot.
![](https://img.wattpad.com/cover/200424381-288-k516051.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Badboy
Teen FictionKENDRA SYL ZAMORA isang mabait na bata, mapagmahal, matulungin, pero minsan kailangang magsinungaling para matakpan ang katotohanan. Kaya nya kayang takpan ang katotohanang nainlove sya sa isang badboy na kinaiinisan nya. A story full of love, tawan...